1

4K 151 1
                                    

Jema's POV

Pagkatapos kong magmuni-muni kanina, tinapos ko na rin ang mga paperworks ko. Mabilis ko lang itong natapos dahil pirma ko lang naman ang kakailanganin dito.

By the way, I know you guys already know me but I want to formally introduce myself. I'm Jessica Margarett Casidsid Galanza, 25 years of age, the Chief Operating Officer (COO) of Galanza's Triptivo Firm. Parang travel agency ang kumpanya namin pero syempre mas malaki at mas maganda ang services namin. We own this company. Kadalasan si Papa ang laging nasa opisina samantalang si Mama naman ay mas gusto niyang nasa bahay na lang. Papa is the Chief Executive Officer of GTF pero ako ang mas maraming ginagawa dahil ako ang nagrereport sa kanya tungkol sa mga nangyayari sa mga companies and firms namin dito sa Pilipinas. The COO is tasked with overseeing the day-to-day administrative and operational functions of a business ika nga nila. Meron na rin kaming companies sa iba't ibang bansa tulad ng Japan, USA, Canada and China.

At ang nag-iisa kong kapatid na si Maria Fe C. Galanza ay ang nagsisilbing secretary ni Papa. Actually she doesn't want to enter the business world dahil hindi daw ganitong klaseng trabaho ang tipo niya pero dahil sina Papa ang masusunod, wala siyang nagawa kundi sumunod sa mga yapak namin. Buti nga secretary lang siya ni Papa. Hindi ganun kadami ang ginagawa niya hindi katulad ko na COO ng malaking kumpanya na ito.

Enough of that.

Niligpit at inayos ko na ang mga gamit ko dito at lumabas sa opisina. Sinalubong naman ako ng ilan sa mga officemates ko papunta sa conference room.

"Good afternoon, my COO Galanza." She greeted me and formed a smile in her lips.

Meet Fhen Emnas. She's one of our co-workers here in GTF. I can say na magaling din siyang magtrabaho pero hindi yun sapat para payagan ko na siyang manligaw.

I just smiled at her and continued walking.

"Hahahah inignore ka na naman ni Boss! Sumuko ka na kasi." Rinig kong tukso sa kanya ng kaibigan niyang si Kenneth, co-worker. Pero hindi ko na lang yun pinansin at pumasok sa conference room.

Sumalubong sakin ang napakalamig na aura ng aking ama.

Tanghaling tapat but his presence is so cold as the weather in Alaska.

I sighed.

"Good afternoon, CEO Galanza." I calmly said and slightly bow my head down.

"Good afternoon too, COO Galanza. Take a seat." He offered me the seat on his right side.

He preferred to make our conversation formal. Kapag nasa opisina kami at kahit walang nakakita at nakakarinig, kailangan ko pa rin siyang tawaging CEO at ganun din sakin.

Hay, ewan ko ba kung may galit ba sakin itong tatay ko. Uh nevermind. Sanay na rin naman akong ganito ang nangyayari.

"Mafe!" Tawag niya.

Mabilis namang pumasok dito ang babaeng nakasuot ng pencil skirt and polo na long sleeves na parang matataranta na. May mga hawak pa siyang folders and portfolios.

"Y-yes CEO Galanza?" Kabadong tanong niya.

Suguro kung wala lang dito si papa, kanina pa ako humahaklak.

Laughtrip yung mukha ng kapatid ko hahaha! Hindi naman siya ganito kapag kami ni mama. Kalog siya at masiyahin pero pagdating kay papa? Parang asong laging pinapagalitan ng amo hahaha.

"Papasukin mo na ang iba ninyong officemates. The meeting will start in 5." He told her.

Mafe immediately obeyed our father and went out of the room. Hindi naman ako nagbalak kausapin si Papa kaya naging tahimik lang ang paghihintay namin. I must say, hindi talaga ganun kalapit ang loob ko sa kanya kaya ganun.

My Immortal Crush  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon