41

1.5K 72 21
                                    

Jema's POV

"Galanza!" Nabigla ako nang sumigaw si Deanna.

"Ano?!" Pasigaw din akong nagsalita. Nandito lang naman kasi ako sa opisina niya at nakaupo sa sofa pero kung makatawag siya akala mo nasa ibang building ako.

"Anong ano?! Eh ikaw ano toh?!" Irita niyang tanong habang nakatingin sa papeles na nakatambak sa kanyang office table.

"Bulag ka ba? Papel oh ang linaw linaw!" Common sense duh!

"Aish!" Sabay gulo sa kanyang buhok.

"Ano bang mali? Hindi ba't sabi mo ilagay ko yan sa mesa mo." Binilin niya kasi sa isa sa mga empleyado niya na pagkarating ko raw ay ihatid ko yun agad sa opisina ni Deanna dahil hindi naman daw kasi siya agad dumadating. Ginawa pa akong utusan.

"Nilagay mo nga pero look oh! It's so messy." Parang maarte pa siya.

"Sabi mo ilagay ko, wala kang sinabing dapat maayos." Sarcastic kong sagot.

"Hay jusko." Bagsak-balikat niyang wika atsaka siya na ang nag-ayos ng kanyang mesa.

Pinanood ko lang siya kung paano niya naayos lahat ng iyon. It's so organized. Actually may mga folders pa yun at iba iba rin ang kulay. Kanina mukhang rainbow yung mesa niya pero ngayon napakaayos tignan.

"Baka matunaw ako nyan." Nabalik ako sa ulirat nang mapansin kong tapos na pala siyang mag-ayos.

At aba, nagawa pa niyang ngumiti.

"For your information CEO Wong, hindi ka ice cream o yelo para matunaw."

"But atleast I caught you staring at me." She smirked and sat down.

Ako?! Seryoso ba siya?! Tinignan ko yung ginagawa niya at hindi siya mismo!

"And you're talking to yourself again." Natatawa pa niyang dugtong. Pinapunta niya rin ba ako dito para pagtripan?

But ngl, for the mean time I forgot how cold and scary she is. It's been a long time since I saw her smiled tho.

Well I fixed myself and faced her with my serious aura.

"If that's all, aalis na ako." Sabay talikod sa kanya but I heard that she cleared her throat.

"We are not yet finish CEO Galanza." Hinarap ko siyang muli at ayun na nga, she's wearing her famous cold presence that made me gulp. "Nagsisimula palang tayo."

What does that mean? Double meaning? Luh ano bang tong iniisip ko.

Wala naman akong nagawa kundi umupo na lang ulit at hayaan siya sa kanyany ginagawa. Mahigit isang oras din niyang chinecheck ang mga papeles na pinahatid sakin dito. I saw how hardworking she is but I observed something. She's calmer than before at kung makafocus siya akala niyi nagtatake ng board exam.

Pero hindi pa dun natatapos dahil may mga pumapasok ding WTV employees para magtanong at magreport sa kanilang ceo. She's so professional talaga.

Why do I even kept on complimenting her? Argh!

Kaya siguro ganun na lang talaga yung paghanga ng mga tao sa kanya at pati na rin ang mga kapwa niya ceo.

It's been three hours and she just finished everything. Nagstretch muna siya at humikab pa na animo'y bagong gising.

"Are you hungry?" She asked out of nowhere.

"H-hindi pa naman." Magtatanong pa talaga siya eh anong oras na tapos ngayon pa lang kami kakain.

My Immortal Crush  Where stories live. Discover now