36

1.5K 78 10
                                    

—— Flashback ——

*Four Years Ago*

"Deans, are you really sure about this?" Ponggay asked her cousin as she helped her with her things.

"Mas sigurado pa ako sa sure Pongs." Diretsong sagot ni Deanna at nilagay ang kanyang mga bagahe sa kotse.

Alalang tumingin si Ponggay sa kanya na parang iiyak na. Hanggang ngayon kasi kitang-kita pa rin sa mga mata ni Deanna ang sakit na nararamdaman niya. Her eyes are swollen and her lips are pale.

Napabuntong-hininga na lang siya at tinawag si Mr. Ronald.

"Mr. Ronald, please make sure that someone will take care of the house because I'm sure that Ate Bea won't come back here." Bilin na Deanna sa kanya at tumango naman ang isa. "At siguraduhing ganyan pa rin yan kapag bumalik kami, kung sakali mang mangyari yun."

"I will Master Wong. Basta lagi niyo pong tatandaan na laban lang at matatapos din ang lahat." He cheered her up and raised his fist.

Pilit na napangiti si Deanna habang pinipigilan ang kanyang mga luha. Ayaw talaga niyang umalis pero magdudusa siya kung hindi siya gagalaw at kikilos.

Nagpaalam na sila atsaka dumiretso sa Wong's International Airport. Pinadaan sila sa private entrance para walang sinuman ang makakita sa kanilang dalawa dahil walang ibang sinabihan si Deanna tungkol sa pag-alis niya kundi si Ponggay at abg mga tauhan nila. Sumakay na sila sa private jet at dito nagpahinga.

"You did the right thing Wongskie. Siguro ngayon masakit pa sa loob mo na umalis pero kapag natapos na natin ang lahat, hindi ka magsisisi na ginawa mo to." Wika ni Ponggay na nagpakalma sa pinsan.

Deanna slowly showed a forced smile and held Ponggay's hand.

"I can trust you, right?" Tumango ang kaharap niya bilang sagot. "We only have each other and we'll end this, together."

=====

"Welcome back to New Zealand, CEO Wong." Bungad sa kanila ni Vanie.

Well as we know, she's now a manager on WIA in the PH and also in NZ. At isa rin siya sa mga nag-ayos para sa pag-alis ni Deanna.

Tumango lang si Deans sa kanya at dumiretso sa sasakyan na maghahatid sa kanila papunta sa kanilang bahay.

As usual, their house is as big as hell. Not literally a hell pero hindi mo lang ito matatawag na mansion. Maybe a palace.

Marami tao ang sumalubong sa kanila pagkapasok nila. The chief, maids, guards, gardeners, etc. pero walang sinabing niisang salita si Deanna para magpasalamat kaya halos lahat talaga ng tao dito ay takot sa kanya.

Nahihiyang ngumiti na lang si Ponggay dahil sa inakto ng kasama.

"I'm very sorry. She's not really in the mood but I know that she's thankful to all of you for doing this." Pagpapaalis niya ng kaba sa mga ito. They just bowed and smiled as a respect.

Anyways, pumunta si Deanna sa kwarto niya at walang emosyong inikot ang paningin. Napairap siya nang baguhin nila ang pagkakaayos ng gamit niya. She doesn't really want anyone to touch her things, even on her office. Hindi rin naman ganun kadami ang dala nilang bagahe dahil meron na sila gagamitin para sa pagtira nila ulit dito.

Sinuring maigi ni Deanna ang buong kwarto niya, knowing that Mr. Wong might put cameras to see her actions. Pero wala naman kaya medyo nakahinga na siya ng maluwag. But speaking of her father, napansin niyang wala ito sa bahay so pagkatapos niyang gawin ang kung ano-ano sa kanyang silid, bumaba siyang muli at naabutan niya lang si Ponggay na abala sa pakikipag-usap sa yaya nila.

My Immortal Crush  Where stories live. Discover now