33

1.9K 110 16
                                    

Jema's POV

"And her girlfriend."

At tumigil ang mundo...

Parang binuhasan ako ng nagyeyelong tubig pagkatapos kong marinig ang mga katagang yun.

"T-That's good to know hehe." I don't know why but I felt awkwardness after what happened.

So sila pala? Pero totoo naman na mas mabuti kung ganun. Atleast pwede na kaming makapag-usap ni Deanna ng maayos nang hindi binibigyan ng malisya ng ibang tao.

I want to ask if since when but duh! It's their privacy at baka isipin pa niya na interesado ako sa relasyon nilang dalawa. And I don't care.

I gave her a forced smile and looked away. I sighed.

So ano hanggang ganito na lang kami mamaya? Dapat pala hindi na ako nagtanong huhuhu.

"So how's your company going so far?" She broke the silence.

Tinignan ko siya at nakangiti pa rin ito.

Weird.

Pero ayun nga, sinabi ko na okay pa rin naman ang takbo ng kumpanya at mas naglalagay ng effort ang bawat isa sa amin dahil nandito na ulit ang WTV pero syempre hindi ko sinabi yung last ha.

Tinanong ko rin siya about sa company nila hanggang sa nagring yung phone niya.

"Hello?" Bungad ni Michelle.  "You sure 'bout that?... Okay I'll just tell her. Love you."

Napaiwas na lang ako ng tingin nang i-end niya yung call. I'm sure that is Deanna. May pa 'Love you' e.

"I'm sorry CEO Galanza but CEO Wong can't make it. She did an important thing." She apologized.

Wow, pinaghintay lang ako dito para sa wala pero okay na rin yun. Baka sakalaing makahinga pa ako ng maluwag pagkaalis ko sa lugar na ito.

"It's okay. Maybe we can settle another appointment next week. Is that okay?" I asked and she nodded.

Tumayo na kami at nakipagshake hands naman siya sakin.

"It's nice to meet you CEO Galanza and thank you for the small talk. Sorry din kung pinaghintay ka namin hehe." Kamot-batok niyang wika pero umiling ako.

"I don't mind Miss Cobb." I told her and went out of the office.

Hindi na siya nakasunod sakin sa elevator kaya naman napabuga ako sa hangin. Para lang talaga akong nakawala sa selda haha but I will still meet her because that is what Papa wants to. Sa ibang araw nga lang.

Pero ngayon may iilan na akong alam tungkol kay Deanna. It's obvious that she changed a lot pero hindi ko pa masasabi ngayon kung ano ba yung mga bagay na nagbago sa kanya at kung ano ang nagpabago sa kanya. Napanood ko kasi ulit yung conference niya last time. Ibang-iba na yung Deanna na nakilala ko. Mukha siyang strikto na hindi marunong tumawa kapag sa harapan ng camera at maraming tao maybe because she was known for that, for being cold and emotionless.

Why am I even talking about her in my mind? Argh!

Dahil wala naman din akong gagawin dito sa WTV, babalik na lang ako sa GTF.

Pagkapasok ko pa lang ng building namin, binati na nila agad ako at ganun din ang ginawa ko. Hapon pa lang naman kaya madami-dami pa rin ang mga employees namin na nandito.

I went to the 9th floor to check my friends.

*Ting!*

"Good afternoon CEO."

My Immortal Crush  Where stories live. Discover now