40

1.5K 87 18
                                    

Jhoana's POV

"Mads tulungan mo naman ako please." Pagmakakaawa ko habang nakasunod kay Madayag.

"I already told you that I can't do anything to help you." Tumigil siya at bagsak balikat nya akong hinarap. "Deanna trusted me...at ayaw kong masira yun katulad ng nangyari sa inyo."

Aminin ko man o hindi, tinamaan ako sa sinabi niya.

Hay paano ba ito?

Balak ko sanang magpunta sa opisina ni Deanna pero parang hindi magandang plano yun kaya minabuti ko na lang na dito dumiretso at pakiusapan si Maddie. Siya lang naman ang nadatnan ko dito so probably Eri is still sleeping.

"Hindi pwede. Hindi ko pwedeng pabayaan na lang si Bea na makulong doon sa New Zealand." Mangiyak-ngiyak kong sabi.

"At sinong may kasalanan nun? Hindi ba't kayo rin. Alam mo, kung ako sayo tigilan mo na yang si Deanna dahil baka pati ikaw ay isunod niya kay Bea." Mas lalo akong nanghina sa isinagot niya.

Ganun na ba talaga kalaki ang pagkakamaling nagawa namin para magdusa kami ng ganito? I mean oo si Bea ang dahilan kung bakit nasira ng todo si Deanna pero kasama niya ako nung mga oras na iyon. Marami akong pwedeng gawin para pigilan siya pero wala akong ginawa. Napakawalang kwenta kong kaibigan.

Maglalakad na sana muli si Mads pero sinalubong siya ni Eri.

"Gooood mowning Tita Maddie!" Nakangiting bati niya sabay yakap.

Tuwang-tuwa naman ang isa.

Ang swerte nga nila sa batang ito.

"Anong good morning? Maghahapon na kaya hahaha." Natatawang sagot naman ni Mads atsaka kinurot ang pisngi ni Eri.

"It's still morning." The boy pouted.

Cute.

If only we did something back then para hindi masira ang relasyon nina Jema at Deanna, ganito rin ba kami kasaya?

"Tita, she is Dada Chief's friend right?" Turo sakin ni Eri.

Kanina pa pala ako nakatulala dito.

"Hmm yes but she's about to leave naman so tara kain ka na." Tumango lang sa kanya ang isa at inalalayan papunta sa dining area.

Argh! Ano pa bang pwede kong gawin para pumayag itong tulungan ako? Wala na rin naman akong ubang malalapitan kundi siya lang.

Pinanood ko muna siyang kuhanan ng Koko Krunch si Eri na nilagyan pa nito ng gatas.

Parang tuloy si Maddie ang ina ni Eri haha joke.

"I thought we're already done?" Tanong ni Mads na tapos na pala sa kanyang ginagawa.

Ayun si Eri parang kumakain.

"For the nth time, Maddie, I'm begging you. Just this one please?" I told her and trying to hold back my tears.

Hinawakan ko ang kanyang mga kamay. Konti na lang talaga luluhod na ako sa harapan niya.

She sighed and removed my hand.

"I'm really sorry Jho. Wala akong karapatang makialam sa kung ano mang nangyari sa inyo." Tinalikuran niya ako.

"So if you don't mind, please, umalis ka na."

——————————

Deanna's POV

"I am currently busy right now CEO Galanza. If it's not about business, you may go." Pinagpatuloy ko lang ang aking ginagawa.

Jema slammed my table. "IT IS ABOUT BUSINESS." Madiin din nitong sabi.

My Immortal Crush  Where stories live. Discover now