19

2.5K 97 3
                                    

Deanna's POV

I was woke up because of the sun rays hitting my eye. Even though I'm still lazy and I want to cuddle with this comfy bed, I have to get my ass up here. Nakakahiya naman kung hapon na ako gumising noh. I checked my phone and it's already quarter to one in the afternoon. Almost ten hours sleep? Not bad.

Umupo muna ako at ginising ng tuluyang ang aking kaluliwa. Naaninag ko naman ang sina Kyla at Bea na tulog mantika. Tumayo muna ako at inayos ang higaan. Pati rin pala itong pinsan ko natutulog pa. Sila ang paniguradong gigising ng hapon o baka gabi na nga e. Napailing na lang ako at dahan-dahang lumabas ng kwarto. Hindi na nahiya itong mga toh. Nakitulog na nga tapos hindj la gumigising agad. Sabagay late na rin kaming natulog.

Our Christmas earlier was LIT! I didn't expect na mag-eenjoy at magsasaya kami ng ganun. We never experienced this kind of Christmas tho because it's just the three of us celebrating Christ's birthday back then but we still enjoy Christmas naman kahit na kami-kami lang. Naalala ko tulog nung bata pa kami at nandito pa sila Mom, kami ang pinagdedecorate nila ng Christmas tree noon and Dad was lifting me just to put the star at the top of the tree. Then after the countdown, we will open all our gifts. Minsan nga hihingin ko yung regalo nila Ate Cy or Ate Nicole kapag nagustuhan ko yun eh and they will just let me. That's how they love me hehe.

But yeah, good old days 😔

I wish you guys are also here, celebrating Christmas with your future daughter and sister-in-law's fam. Feeling ko naman haha.

Pero yun nga, mas masarap pa rin talaga sa feeling na nagdidiwang ng ganitong espesyal na okasyon kapag kasama mo yung mga taong minamahal at importante sa buhay mo. We received a lots of gifts, money, but we should not forget why we celebrate Christmas. We celebrate it because it's Jesus Christ's Birthday and we should not just enjoy and do parties all around but also give honor to our savior☝️❤️

Enough of that. Naabutan kong naghahain ng pagkain sina Tita Fe sa dining area at mukhang may kinukuha pa silang pagkain mula sa kusina kaya tumungo muna ako doon at tumulong sa paglalagay ng pagkain sa mesa.

"Oh gising ka na pala Deanna anak. Magandang hapon sayo." She greeted me as she arranges the plates.

"Magandang hapon din po Tita. Kanina pa po kayo gising?" I asked and put down the extra chickens and pasta.

"Halos kagigising lang din namin. Wala pa ngang balak gumising itong si Jesse pero inaalala din namin kayo baka mauna pa kayong gumising kesa samin." Natatawa niyang sagot at tinignan ako. "Tulog pa rin ba yung tatlo mong kasama?"

"Ah opo Tita. They are really heavy sleepers since birth." I giggled. "Si Jema po?"

"Ayun tulog pa rin. Pare-pareho silang mahimbing matulog. Hayaan mo na muna silang magpahinga. Sabay-sabay na lang silang kakain mamaya pagkagising nila. Halika na dito, samahan mo na kaming matanghalian." Sabi niya sabay upo sa may kanang bahagi ng mesa. "Mahal!"

May isang matandang lalaki naman ang nanggaling mula sa labas ng bahay at mukahang pagod na pagod.

"Good afternoon po Tito." I greeted him and he did the same. "Kain na daw po."

"Good afternoon. Buti naman gising ka na. Iba talaga kapag CEO ah. Kahit pagod at inaantok, gigising ng maaga." Seryosong wika ni Tito Jesse pero ngumiti rin kalaunan.

Agad namang piningot ni Tita ang tenga ni Tito dahilan para mapangiwi ito.

"Naku naman Jesse, sinabi ko na kasi sayo na mamaya mo na lang icheck yang mga sasakyan mo. Ang tanda tanda mo na pero matigas pa rin ang ulo. Alam mo namang sobra na init sa labas, nagbilad ka pa. Naliligo ka na sa sarili mong pawis oh. Nagmukha ka tuloy na basang-sisiw." Nandidiring saad ni Tita Fe atsaka kumuha ng towel at pinunas ang likod ni Tito samantalang nagpipigil ako ng tawa dito dahil sa nakasimangot na mukha ni Tito.

My Immortal Crush  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon