31

1.9K 112 18
                                    

Deanna Wong

Deanna Wong

Deanna Wong

Ang pangalan nagpaulit-ulit sa isipan ni Jema.

"Huy!" Tawag ulit sa kanya ni Kyla na nakaupo.

Napatingin naman sa kanya ang isa.

"Oh bakit ba? Naninigaw ka na naman. Baka nakakalimutan mong nasa VTO tayo." Paalala ni Jema sa kanya.

"Eh ikaw naman kasi, natulala ka na nung marinig mo ang pangalan niya. Tignan mo, ikaw na lang ang nakatayo." Sabi ni Kyla kaya inikot ni Jema ang paningin at tama nga ang kaibigan niya.

Mabilis siyang umupo samantalang nagpipigil ng tawa sina Jia at Mafe. Hindi naman maipinta ang mukha ng boyfriend niya.

Napunta ulit ang atensyon nila sa harapan nang magsalita ulit ang matagal na nawala sa buhay nila.

"It's good to be back, seeing the new people who will take over their businesses, who will dominate the whole world. I'm so thankful to be CEO Valdez's special guest but I know most of you here are confused of what happened to me, to the former owner, to our company and what's the reason behind all of this. So we're going to have a conference tomorrow at WTV's firm after the official announcement of our comeback and I will answer all of your questions." Deanna continue and smiled. "But for now, let's enjoy the night and have a blast people!" She ended her speech as a loud music and lights turned on.

Nagsitayuan naman ulit ang mga tao para kumuha ng pagkain pero nanatili lang na wala sa sariling nakatingin si Jema kay Deanna na pababa ng stage. Hindi niya matanggal ang tingin sa babaeng minahal niya noon at humubog sa kanyang pagkatao. Ang babaeng inakala niyang makakasama niya habang buhay. But all of those went wrong because of that one hidden truth.

Nabalik lang siya sa katauhan nang tanungin siya ni TJ.

"Are you going to eat or not?" He asked without even showing any emotions.

Hindi sumagot si Jema at nauna nang pumunta sa buffet kung nasaan sina Jia, Kyla at Mafe. Hiyang-hiya siya sa kanyang sarili lalo na sa kanyang nobyo. Sinabi na niya noon na hindi na siya apektado kay Deanna pero bakit ganito ang naging reaksyon niya?

"I thought you're not affected anymore?" Jia asked while getting her food.

"O-Ofcourse I'm not." Nauutal na sagot ng isa. Napailing naman si Jia atsaka nagsalitang muli.

"I don't think you're not affected anymore and it's obvious. Your action shows it. Ayusin mo ang sarili mo Jema. Nakakahiya kay TJ at baka mag-away pa kayo nyan." Iniwan siya nito at bumalik sa pwesto nila.

Napabuntong-hininga na lang si Jema atsaka sumunod sa kanya. Hindi niya maiwasang tumingin sa kanyang paligid, knowing that Deanna is just around her.

——————————

Jema's POV

Argh!! Hindi ko alam kung anong nangyayari. Totoo ba lahat ng ito?

Did she came back? Is she really here? B-But why?

"Babe..." Trevor called me and I felt his hand on mine. "Kanina pa kita kinakausap pero mukhang nawawala ka sa sarili mo. Is there something's bothering you?"

Dahan-dahan akong tumingin sa kanya at simpleng umiling.

"N-Nothing. Maybe I'm just surprised haha alam mo na, all of these are unexpected." Kamot-batok ko pang sagot at tinuon ang pansin sa pagkain.

My Immortal Crush  Where stories live. Discover now