34

1.9K 110 16
                                    

Deanna's POV

"Of course, he's my son." Patago akong ngumisi nang makita ko ang itsura ni Jema.

"Chief, I want those." Eri pouted while pointing at the chocolates.

Lumuhod ako at pinisil ang kanyang pisngi.

"I'll just buy you chocolates tomorrow, okay?" He nodded so I stood up and looked to Jema. "I'm sorry CEO Galanza but we have to go. At tungkol nga pala doon sa appointment, sa ibang araw na lang."

Hindi ko na siya hinihintay magsalita atsaka pumunta sa counter. Binayaran ko na lahat ng pinamili namin at sumakay sa kotse. I'm with Mr. Ronald and he will be driving us home since kasama ko si Eri at hindi ako pwedeng magmaneho. May pagkamalikot din kasi ang batang ito.

"Dada chief, do you know her?" Eri asked.

Alam ko naman kung sino ang tinutukoy niya.

"Yes she's the CEO of the most chosen company and the best traveling company worldwide, for now." I told him and formed a smile.

I'm going to get those awards again because that is what my company deserves. Lahat ng nawala sa WTV ay babawiin ko kaya ako bumalik dito. Nakita ko kung gaano naghirap ang mga empleyado namin noong tumigil sa pag-operate ang kumpanya kaya ang laki ding pagsisisi ko nung ginawa ko yun pero wala naman akong magagawa. May kailangan pa akong ayusin sa pamilya namin at pansalamantalang kalimutan muna ang business world.

Hindi maalis-alis ang ngiti sa mga labi ko habang nakatitig kay Eri na parang may tinetrace sa bintana.

Perri Matthew Gaston Wong or also known as Eri. To tell y'all the truth, he's my cousin's son. Mahabang kwento kaya sa susunod na lang haha. But I chose to adopt him at ako lang ang kinilala niyang magulang habang nasa New Zealand pa kami. He is just four years old and turning five in a few months. Kung nagtataka kayo kung bakit magaling na siyang magsalita at mag-english, dahil lumaki siya sa ibang bansa. Alam niyo, I'm a CEO and I want him to grow up, not only by his height and physical appearance but also his mind. Atsaka tinatawag niya din akong 'Chief' kasi ayun nga CEO ako atsaka parang ako daw yung boss. Sa tagal ko ding nawala, lahat ng oras na yun ay nilaan ko kay Eri para kapag naging busy ulit ako sa trabaho, alam na niya kung ano ang mga dapat gawin at hindi dapat gawin.

Nang mga oras na wala akong makausap, wala akong masandalan, si Eri ang nandyan para pasayahin ako. Whenever I'm stressed, he's going to massage my head even if I didn't asked for him to do it. Ramdam ko na mahal na mahal ako ng anak ko at mas higit pa ang ibinibigay kong pagmamahal sa kanya. Simula noon, I told myself that I won't find another person to be with me until my last breath because Eri is enough.

Minutes have passed, we are finally home. Dito muna kami tutuloy ni Eri sa bahay namin nila Pongs at Ate Bei dati. Well, when we left and got back to New Zealand, nakipag-usap ako sa isa naming tauhan na bantayan ang bahay at panatilihin itong malinis at dapat ganun pa rin ako kapag binalikan namin which is ginawa naman niya. Siguro ipapaayos ko na lang ang interior nito sa ibang araw para maiba naman.

"Boss D, may nakahanda na po kayong pagkain sa loob. Ako na lang po ang magpapasok ng mga ito." Wika ni Mr. Ronald atsaka dinala yung mga pinamili namin.

"Okay thank you." I thanked him.

Eri and I made our way to the house.

"Wow! So big!" Manghang sabi ni Eri at nagsimulang tumakbo paikot ng bahay.

"Eri stop! Baka madapa ka." Suway ko naman atsaka hinabol siya.

I wiped his sweat when I catched him. At dahil ngayon lang siya nakapunta dito, inilibot ko siya sa buong bahay at sinabi ang mga detalye ng bawat sulok at kwarto nito.

My Immortal Crush  Where stories live. Discover now