28

1.6K 102 13
                                    

Jema's POV

Papasok na ako ng bahay nang may tumigil na sasakyan sa harap ng bahay. Taka akong tumigil at lumingon.

"Jema."

"Oh Bea anong meron? Gabi na ah." Sabi ko atsaka tinignan kung sino ang kasama niya. She's still with Jho.

Siguro katatapos lang nilang tignan ang firm sa Bulacan kaya napagabi na ang uwi nila.

"You need to come with me." Seryoso niyang wika. "You have to know the truth."

=====

"Saan tayo papunta? B-Bea, I don't know this place." Kabado kong saad nang mapansing mas napapalayo kami sa syudad.

Nagstop kami sa isang—bar? Ano namang gagawin namin dito? Oo umiinom ako pero kapag may okasyon lang at hindi ako pwedeng uminom ngayon dahil may trabaho pa ako bukas. I can't just make myself drunk. I have my responsibilities.

Tinanong ko ulit siya pero hindi niya ako sinagot ngunit binigyan niya ako ng seryosong mukha na nagsasabing 'makikita-mo-mamaya' look.

I read the name of the bar.

"Hyde Nights Ground?" Cool name, not bad.

Napangiwi ako nang sumalubong samin ang napakalakas at napakaraming tao. Ang layo ng lugar na ito pero ang dami pa ring pumupunta dito.

Umakyat kami sa parang VIP area at nagstop sa harap ng isang elevator. Tinignan ako ni Jho at pilit na ngumiti.

Problema nito?

Pumasok kami dito atsaka pinindot ni Bea ang underground. My jaw literally dropped when we reached the underground base of this bar. I've never seen a bar like this before. Sobrang laki niya, maganda ang interior, p-pero bakit may r-ring sa gitna? At parang may naglalaban? Ano to, pinagpupustahan nila? Illegal yun ah.

Bigla na lang hinablot ni Bea ang kamay ko at hinatak papalapit sa ring. Inis ko naman siyang tinignan.

Masakit yun ah!

She looked at me. "See for yourself." atsaka tumingin sa ring.

Dahan-dahan akong tumingin doon at pinanood kung paano talunin ng babae? Yung kalaban niya. Natigilan ako nang makita kung paano naging pula ang kanyang mata at kung paano niya inalabas ang pangil niya.

What the—

"AAAAHHHHHH!" Sigaw ng lalaking ngayo'y nakapikit na at walang malay.

"Bei, let's get out of this place." I told her but she gave me a blank reaction again. "Putangina naman! Ano bang nangyayari—"

"AND DW IS STILL UNBEATABLE! HERE'S OUR CHAMPION!"

DW?

"Do you want to know what's the meaning of DW?" Tanong ni Bea na nakangisi na.

"Deanna Wong."

×××××

Deanna happily roamed her eyes around the ground but her smile fades when she saw a familiar girl.

"J-Jema." She whispered as she also saw her wiped a tear.

Mabilis na tumakbo palayo si Jema. Agad namang bumaba ng ring si Deanna atsaka siya hinabol at masama niyang tinignan si Bea nang makita niya ito pero ngisihan lang siya ng isa. Takang sumunod si Ponggay sa kanya at akmang susunod pa si Payton ngunit pinigilan siya ni Ponggay.

"Just stay here and distract the others. Wag mong hahayaang hanapin nila si Deanna." Seryoso niyang utos na tinanguan ni Payton.

"Fuck fuck fuck!" Hindi mapakaling bulong naman ni Deanna nang magsara ang elevator na paakyat na. Kailangan niya pa itong hintayin na bumaba para makasakay siya ulit.

My Immortal Crush  Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin