Beginning

9.7K 176 23
                                    

"Sa akin yan!" Sigaw ng isang batang babae habang hinihila ang lunch box nito mula sa isang batang lalaki na pilit itong kinukuha.

"Sabi ko sayo ibigay mo sa akin ang baon mo! Akin na ito ngayon." Sabi naman ng lalaki at matagumpay na nakuha ang pagkain ng babae.

Nagsimula naman siyang umiyak.

"Lampa ka pala eh! Sinabi na kasing ibigay mo na lang. Ang kulit mo." Saad ng isa pang lalaki.

"Kunin niyo nga ang bag niya." Utos ng lalaking kumuha ng baon nito.

Nang makuha ang bag, ibinuhos niya lahat ng gamit nito.

"Tama na! Isusumbong ko kayo sa papa ko!" Umiiyak na sabi ng babae.

"Edi magsumbong ka!" Bulyaw ng lalaki. "Sinong tinatakot mo? Ha?!"

"Hoy! Anong ginagawa niyo dyan?" Biglang singit ng babaeng nakasuot pa ng sumbrero.

"Hoy ka rin! Huwag kang makialam dito ah." Maangas na sabi ng lalaki.

"Anong huwag makialam? Tignan niyo nga yan oh." Sabi ng bagong dating na babae sabay turo sa babaeng nakaupo ngayon sa daan.

"Okay ka lang?" Tanong ng babae dito. "Anong ginawa nila sayo?"

Hindi naman umimik ang bata.

"Kayong tatlo, umalis na kayo dito." Sabi ng babae at binigyan sila ng masamang tingin.

"N-nakakatakot siya." Kabadong sabi ng lalaking nagmamatapang kanina.

"U-uy t-tara na." Takot na sabi ng isang batang lalaki.

Wala pang isang segundo ay nawala na sila sa lugar na yun. Nang makaalis na ang mga lalaki, nilapitan ng babae ang kaninang binu-bully ng mga lalaki.

"I asked you earlier kung okay ka lang but you didn't answered me back." Sabi nito sa babaeng nakaupo pa rin sa gitna ng daan. "Okay fine. If you don't want to tell me if you're okay na halata namang hindi, sabihin mo na lang sakin kung saan ka nakatira para ihatid na kita sa bahay niyo. And I'm not in the mood to wait for your answer."

Dai-dali namang napaangat ng tingin ang kausap niya.

"M-malapit lang d-dito ang bahay n-namin. O-okay lang ako. Kaya ko nang u-umuwi mag-isa." Nanginginig na sagot nito at unti-unting tumatayo.

"No. I insist. Baka bumalik ulit yung tatlong yun at pagtulungan ka na naman." Pagpupumilit ng isa. "And I don't take no for an answer."

Bagsak-balikat namang tumingin sa kanya ang kaharap.

"Hay. Oh sige na nga." Nagsimula na silang maglakad patungo sa bahay nito pero habang tinatahak nila ang daanan ay hindi naman maiwasang magtanong ng babae.

"Taga saan ka pala?" Tanong ng babae sa nagligtas sa kanya.

"Hindi talaga ako taga dito. Nagpunta lang kami dito dahil gustong magbakasyon nila dad at icheck yung company namin dito so anytime pwede din kaming bumalik sa New Zealand." Sagot niya.

"Wow taga ibang bansa ka pala. Buti marunong ka pa ring magtagalog?" Tanong ulit ng babae na ikinatawa ng kasama nito.

"Of course I know how to speak Tagalog. My parents are both Filipino and we stayed here for how many years bago kami lumipad papunta sa New Zealand." Paliwanag nito at tumango lang sa kanya ang babae.

"What is your name pala?" The girl who save the other girl asked.

"Jessica Margarett C. Galanza but you can call me Jema. Masyadong mahaba noh." She replied. "Eh ikaw?"

Napangisi naman ang batang babaeng kasama nito.

"You don't have to know my name. Pero kapag nagkita tayo ulit, sasabihin ko na sayo." Saktong pagsagot niya ay ang pagdating nila sa harapan ng bahay ni Jema.

"Ayan na siguro ang bahay niyo. Nice to meet you Margarett. Wag ka nang uuwi mag-isa ha. Hope to see you again! Bye!!" Sunod-sunod niyand saad.

May sasabihin pa sana sa kanya si Jema pero agad nang nakaalis ang kausap niya.

"I hope so because I want to know you more." Bulong ni Jema sa kanyang sarili.

=====

"Hoy Galanza! You're thinking about something again. Ano na naman ba yang nasa isip mo ha?" Nakapameywang na tanong ng kaibigan kong nakatayo sa harapan ko.

"Atienza wag mo akong simulan ngayon ha. Marami pa akong dapat gawin kaya wag mo akong guluhin." Sabi ko sa kanya sanay tingin sa mga papeles na nasa mesa ko.

"Hay nako, wag ka ding umiwas sa usapan Galanza. Are you thinking about the young girl who saved you nung sinubukan kang pagtulungan ng tatlo ng batang lalaki?" She asked again that made me stopped.

I looked at her with a serious face.

"Yes. What's the big deal?" Tanong ko din sa kanya at muling binalingan ang mga papeles.

"Wake up Jessica! Lagi mo na lang tinuturingan ang batang iyon na 'not knight in shining armor' mo. Bata pa kayo noon okay? Imposibleng magkita kayo ulit dahil baka nakalimutan ka na niya at nagstay na siya sa New Zealand. Do you get my point?"

"I got your point but Kyla? It's my decision. Iba kasi yung naramdaman ko sa kanya nung niligtas niya ako. Parang tuwing kasama ko siya, I feel secured and safe." Sagot ko sa kanya habang inaalalang muli yung mga pangyayari noon.

"Pero isang beses pa lang kayong nagkasama." She said but I just shrugged my shoulders. "Ang daming nagkakagusto sayo ditong mga ka-officemates natin pero binusted mo agad dahil dun sa babaeng yun. My god Jema."

Napahawak siya sa kanyang ulo at umupo sa couch dito sa loob ng office ko.

Eh sa hindi ko talaga type ang mga yun.

"Can you please shut your fucking mouth Atienza? Mas lalo mo lang akong pinapastress." Inis kong sabi sa kanya habang hinihilot ang sintido.

"Hay okay fine. Basta wag mo na lang kakalimutan ang meeting natin mamaya sa conference room." She said and stood up. "Tigilan mo na rin ang kakaisip sa kanya."

Bago ko pa man siya mapagsabihan ay kumaripas na siya ng takbo palabas ng office.

Hay nako Atienza. Best friend ko siya pero imbes na makapagpahinga at makapagrelax ako tuwing kasama ko siya, parang siya pa ang nagpapastress at nagpapainit ng ulo ko. Jusko.

Bigla namang pumasok ulit sa isip ko yung babaeng nagligtas sakin nung 10 years old pa lang ako.

Sa tingin ko mas bata siya sakin dahil baby face siya eh. Hindi ko naman kasi alam kung paano ipagtanggol ang sarili ko dahil simula pa lang nung una ay duwag na ako at takot na lumaban. Hindi katulad ng batang yun na parang walang kinatatakutan. Napaalis niya pa agad yung tatlong lalaking nang-bully sakin.

Tumigil muna ako sa aking ginagawa at napasandal sa swivel chair. Napatingin ako sa kisame.

When we will meet again?

_______________________

Hey guys! New story is waving! 👋 I'll make sure that you're gonna enjoy and love this one. Keep on supporting and voting my stories guys!

Keepsafe everyone!!

My Immortal Crush  Where stories live. Discover now