16

2.5K 112 6
                                    

Jema's POV

Nakaupo ako sa balcony ng kwarto ko ngayon habang nilalanghap ang simoy ng hangin. Medyo okay naman ang view dito kaya napag-isipan kong tumambay muna tutal wala naman akong ginagawa sa loob.

Narinig kong bumukas at nagsara ang pintuan kaya napalingon ako at nakita si Mama. I smiled.

"Mukhang maganda yata ang araw ng anak ko ngayon ah." Nakangiti niya ding tanong at lumapit sakin.

Niyakap niya ako mula sa likod at pinatong ang kanyang baba sa ulo ko.

"Syempre naman Mama, nagiging maayos na ang lahat e." Sagot ko.

"Tama ka dyan anak. Sa totoo lang, masaya akong dumating si Deanna sa buhay natin. Nakita ko na ulit ang totoong saya sa mga mata mo ngayon."

Napangiti ako nang maalala yung mga ganap sa New Zealand. It's been one week since Deanna asked me to be her girlfriend and in three days, magpapasko na. It was supposed to be our first weeksary but sadly, she's not here. Literally. Wala siya dito ngayon si Pilipinas dahil nagpaiwan siya sa New Zealand.

—— Flashback ——

Gabi na ng makauwi kami sa hotel. Sinalubong kami ng nakakalokong tingin ng mga kaibigan namin.

"Bakit ngayon lang kayo umuwi ha Jessica?" Seryosong tanong ni Papa at niyakap ako.

"M-may pinuntahan lang po kami ni Deans." Kinakabahan kong sagot sabay iwas ng tingin.

Paano ko ba sasabihin sa kanila ngayon ang tungkol samin ni Deanna? Hindi ko naman pwedeng ilihim yun noh.

"Gaano ba yan kaimportante at natagalan kayo?" Naramdaman ko na naman ang malamig niyang presensya kaya hindi ako nakasagot.

Bumuntong-hininga si Deanna. "Binisita lang po namin ni Jema sila Mom at mga kapatid ko Tito. Then we went to the mall po to have some early dinner."

Napalitan ng pagtataka ang seryosong mukha ni Papa.

"You visited your family? Why didn't you invited us? We will gladly to meet your family and not your asshole father." Hinawakan ni Mama ang kamay ni Papa para pakalmahin siya. "Saan ba yan? Pwede naman natin silang bisitahin ulit bukas bago tayo bumalik ng Pilipinas. Gusto kong makilala ang mabuting Ina mong nagpalaki sayo ng maayos."

"Sa NZ Memorial Park po." Diretsong sagot niya at umiwas din ng tingin.

Lahat sila napatingin kay Deanna. Of course they doesn't know anything about her family and they didn't expect this.

"A-anong ibig mong sabihin hija?" Tanong ni Mama pero hindi nakasagot si Deanna.

Tumingin naman sa kanya si Bea at mukhang nanghihingi ng permiso kung siya na ba ang sasagot. Tumango lang si Deans sa kanya.

She stepped forward and spoke. "Tita, Her mom, Tita Judin Alvizo-Wong and her four siblings were murdered two years ago po. Their body was found in a warehouse na malayo po dito sa syudad. Medyo fresh pa rin po sa mga isip namin ang nangyari lalo na't hindi pa rin nabibigyan ng hustisya ang pagkamatay nila. Wala pa rin po kasing nakukuhang lead ang nga pulis. Sobrang linis po kasi ng pagkakapatay sa kanina. Walang naiwang na kahit ano mula dun sa suspect. Actually malayo po ako sa parents ko kaya si Tita Judin ang tumayong magulang ko nang tumira ako sa kanila psra mag-aral dahil hindi pa po ganun kaya ng parents kong pag-aralin ako. Sobrang bait at lambot ng puso ni Tita lalo na ang nga anak niya kaya hindi ko po lubusang maisip na may gagawa sa kanila ng ganito kaya kahit ako, hindi pa rin tumitigil sa paghahanap ng hustisya. Mahirap mawalan ng minamahal sa buhay pero sinusubukan pa rin po naming tanggapin."

My Immortal Crush  Where stories live. Discover now