Chapter 7

18.1K 684 55
                                    

SENSITIVE CONTENT: READ AT YOUR OWN RISK.

***

Ellis Madrigal

Pilit kong inalis yung hawak niya sa braso ko habang naglalakad kami bago ko siya samaan ng tingin. “Hindi naman ako tatakbo.” Naiinis kong bulong. Kitang-kita ko naman yung pagsama ng tingin niya sakin.

Inirapan ko lang siya at tinalikuran habang hinahagod-hagod ang braso ko. Nasa likuran ko lang siya dala-dala yung bag ko.

“Ellis! Wala pa si Kevin? Uuwi ka na?” Sigaw saakin naman nung kuyang guard. Ngumiti naman ako at agad kumaway. “Sasama ako sa demon— este kaibigan ko manong!” Pasigaw kong balik sakanya habang tumatakbo palapit sa malaking gate.

“Ngayon ko lang nakita yang kaibigan mong yan ha? Mapapagkatiwalaan ba yan?” Pabulong naman niyang tanong. Tinawanan ko naman siya sabay bigay ng ID ko. “Hayaan mo yan manong. Kaya ko ang sarili ko.” Paninigurado ko sakanya. Tumango naman siya at swinipe yung ID ko at iabot ulit saakin na sinuot ko naman agad. “Mag-ing–” Hindi natuloy yung sasabihin ni manong nang magsalita yung demonyo.

“Ellis.” Bulong niya na nagpatingin sakin. Ngayon pa din yung tingin niya. Masama pa din. Hindi ko nalang pinansin at tumingin ulit kay manong. “Alis na kami manong. Bye-bye!” Turan ko sabay lumakad agad palabas ng gate. Hindi daw pinark ni demonyo yung kotse niya sa loob. Nasa labas lang daw.

Agad naman niyang hinawakan yung braso ko. Pero mas magaan na ngayon na kinaginhawa ko kundi tatanggalin ko ulit yan.

Hinatak niya ako papunta dun sa itim na sasakyan. Malamang sakanya 'to kasi mukhang mamahalin. Etong demonyong 'to? Magkokotse ng cheap? Tsk! Asa!

Binuksan niya yung pintuan at hinagis yung bag ko sa back seat. Pumasok naman agad ako pagkatapos niyang ibato yung bag ko at mabilis na sinuot yung seatbelt.

Pumasok din naman siya agad at binuksan agad yung makina bago paharurutin yung kotse. Parang meron siyang siyam na buhay kung magmaneho.

Nakatingin lang ako sa bintana kahit wala akong mapagmasdan sa bilis ng patakbo niya. Madilim na din at puro puno ang nakikita ko. Hindi ko alam kung saan ako dadalhin ng hayop na 'to.

Halos kalahating oras din kaming nagbyabyahe nang pumasok kami sa pamilyar na daan. Sa daan kung saan ako nagkabayo palabas. Nagbuga naman ako ng hangin.

Babalik na naman ako sa impyerno. Kitang-kita ko pa yung pagbukas ng malaking gate habang nasa malayo pa kami at mabilis na pagpasok namin.

Agad niyang inihinto yung sasakyan sa harap nang malaking mansyon kung saan niya ako binaboy. Ayokong bumalik dito pero wala akong magagawa.

Hindi ko na hinintay na buksan niya yung pintuan at nagkusa na akong bumaba mag-isa. Pagkababang-pagkababa ko, nakita ko agad yung nga katulong na nakapila sa labas. Ang dami nila. Kitang-kita ko pa yung paglaki ng mga mata ng ilan lalo na yung mayordomang nag-utos saakin.

Napa-iwas naman ako ng tingin nang makita yung babaeng ipinalit ko sa kama nung araw na yon. Nakakahiya. Agad na akong umakyat sa hagdan saka dinaanan yung mga katulong. Wala akong pakialam sakanila.

“Sir Beaufort.” Sabay-sabay nilang turan pero ako? Hindi ko sila tinignan at mabilis akong umakyat sa itaas at tinunton yung dating kwarto kung saan niya ako kinulong.

Hindi naman ako nahirapan kasi tandang-tanda ko pa. Agad akong pumasok don sa kwartong yon. Narinig ko naman yung pagsara ng pintuan at pag-lock.

Huminga naman ako ng malalim saka hinubad yung sapatos ko. Sinunod ko yung vest ko at yung necktie bago tanggalin yung polo ko at pantalon. Wala akong tinira kahit isa at humarap sakanya.

𝐌𝐚𝐟𝐢𝐚 𝐋𝐨𝐫𝐝'𝐬 𝐁𝐚𝐛𝐲 (𝐎𝐛𝐬𝐞𝐬𝐢𝐨𝐧 𝐀𝐦𝐨𝐫𝐨𝐬𝐚 #𝟔)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon