Chapter 41

12.7K 610 83
                                    

Chapter 41

Ellis Madrigal

    "What the hell are you doing?! Who give you permission to touch him?!" Galit na turan ni Rigon sa ama niyang si Richard habang ako ay yakap pa rin niya patalikod kay Richard.

"N-no… I just want to talk to him." Mahinang bulong naman ni Richard na lalong kinangisi ko.

"No! Hindi ko na kayo ginugulo ni Sabrina! H'wag niyo na akong guluhin. I gave everything to you! Binigay ko na lahat-lahat para hindi mo lang galawin ang pamilya ko." Turan ni Rigon sa kanya at alam kong nagtataka na rin siya sa kilos ni Richard.

"Hindi mo na lalapitan si Ellis kahit kailan." Bulong pa ni Rigon bago hawakan yung kamay ko at maglakad papunta sa kotse niya. Ramdam na ramdam ko pa rin yung titig ni Richard pero hindi ako pwedeng lumingon dahil nakapula siya.

"P-please go in, Princess." Mahinang bulong ni Rigon nang makarating na kami sa kotse niya at mabilis na binuksan yung pintuan.

Agad naman akong pumasok at sinuot yung seatbelt. Nakatayo pa rin si Richard kung saan kami nakatayo kanina. Tinted yung salamin ng kotse ni Rigon at iba na yung kulay kaya pwede ko na siya tignan. Napangisi na lang ako. Hahatakin kita pababa, Richard pero bago ang lahat, kailangan mong mahulog sa akin.

Napatingin naman ako kay Rigon nang makapasok na siya. Sobrang higpit ng hawak niya sa manibela at paulit-ulit siyang huminga nang malalim. Napakibit-balikat na lang ako. May kinuha siya sa compartment nitong kotse na nasa pagitan namin.

Inalis ko na yung tingin ko sa kanya at tumingin sa labas pero nagulat na lang ako nang hawakan niya ako sa baba ko at dahan-dahan ipaharap sa kanya. Nakita ko na lang siyang sinusuot yung panibagong salamin sa akin at laking gulat ko nang halikan niya ako sa noo bago siya bumalik sa pwesto niya na parang walang nangyari at mabilis na paandarin paalis yung kotse.

Dahan-dahan naman akong napaiwas ng tingin. Nakita ko na lang na may sumakay sa kotse ko at iparada sa harap ng restaurant ko. Namayani yung katahimikan sa pagitan namin bago ako mapatingin sa kanya nang basagin niya yon.

"Bukas na yung opening ng restaurant mo. I'm so proud and happy for you. Am I welcome there? I want to go too."







    GAYA ng pinangako ko kay Elliot, nang maihatid ako ni Rigon pauwi, hindi ko muna siya pinaalis at sinabi ko na gustong pumasyal ni Elliot sa bahay niya na agad naman niyang tinanguan.

Ngayon, hinahanda ko na yung mga gamit namin. Gusto daw niyang matulog sa daddy niya kaya dadalhin ko na yung damit namin para diretso na kami sa restaurant bukas ng tanghali.

Magiging busy din ako mamayang gabi, need ko i-check yung restaurant. Kung may kulang ba sa mga karne, mga spices or kahit ano. Siguro mga nine na lang ako ng gabi magche-check. Nagbaba pa sila ngayon for sure. Hindi naman ako natatakot sa pwedeng gawin ni Sabrina. Mahigpit yung security sa restaurant ko lalo na ngayon. Hindi naman niya alam na opening na bukas. Hahaha.

"Anak, ito yung bag mo. Bilis magpaalam ka na sa mga tito at lola mo para makaalis na tayo." Nakangiti kong bulong kay Elliot pagkatapos kong iabot yung maliit niyang bag. Pagkain lang laman nyan at yung paborito niyang libro na about sa discoveries ng mga species. Ewan ko ba, lakas ng trip ni Elliot.

Mabilis niya akong hinawakan sa kamay habang mabilis kaming naglalakad pababa ng hagdan. Dala ko yung mga damit namin ni Elliot at sapatos.

Agad naman napatingin sa amin yung lahat na nasa sala at may kanya-kanyang ginagawa. Isa-isang humalik si Elliot sa kanila at nagpaalam bago mabilis na tumakbo sa labas. Agad naman akong sumunod at isa-isa silang hinalikan sa pisngi.

𝐌𝐚𝐟𝐢𝐚 𝐋𝐨𝐫𝐝'𝐬 𝐁𝐚𝐛𝐲 (𝐎𝐛𝐬𝐞𝐬𝐢𝐨𝐧 𝐀𝐦𝐨𝐫𝐨𝐬𝐚 #𝟔)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon