Chapter 23

14.5K 607 17
                                    

Ellis Madrigal

Mabilis akong napaupo sa sobrang inis.

“Ano ba yan! Nagugutom na ako!” Naiinis kong bulong.

Bakit ang dali kong magutom ngayon? Hindi man lang ako nakatulog. Ramdam na ramdam ko yung gutom. Pang dalawang tao. Bwisit.

Sinulyapan ko si Rigon kung patay na ba. Bakit hindi ba binigyan ng life support machine 'tong hayop na 'to para hatakin ko nalang yung sasakyan at mamatay na nang tuluyan.

Napa-ismid nalang ako at napatingin sa wall clock sa tabi ng banyo. Alas-tres trenta na ng umaga. Hindi ko alam kung ilang oras yung tulog ko. Bwisit kasi eh! Bakit hindi ako pwedeng umuwi?

Mabilis na akong tumayo at mabilis na naglakad papunta sa pintuan. Nagdadalawang isip pa ako kung aalis ako. Baka magising 'to at magwala pero nagugutom na ako. Wala akong phone para tawagan si ate Lyn. Wala akong pera. Kahit kailan yata ay hindi ako pinahawak ni Rigon ng pera.

Huminga nalang akong malalim bago lumabas ng pintuan. Muntik na akong mapatalon sa gulat nang mabilis silang humarang saakin. Apat sila na nandito.

“Hoy! Ano ba?! Padaanin niyo ako!” Naiinis kong turan sakanila. Nakadagdag sila sa inis ko dahil sa gutom.

“No sir.” Turan saakin nung isa na lalong kinainis ko.

“Iihi lang ako.” Pagdadahilan ko sakanila.

“May rest room po sa kwarto ni sir Beaufort.” Turan nung isa na kinalaki ko ng mata.

Ang tanga naman! Bakit yon pa yung dinahilan mo?! Ang bobo mo talaga! Paano ka makakatakas?

“Barado! May tae! Hindi ako makaihi! Mabaho!” Sunod-sunod kong sabi sakanila. “Kakamayin niyo ba yung tae at sisipsipin yung inodoro para maka-ihi ako ha?” Dugtong ko pa.

Nagtinginan naman silang apat. Bakit apat nalang ba itong mga ugok na 'to?

“Let's go sir.” Turan nung isa.

Mabilis naman akong pumasok sa loob pero agad akong napahinto nang pigilan ako nung isa.

“Hindi po dyan! Sasamahan po namin kayo sa public restroom.” Turan niya na nagpangisi saakin habang nakatalikod.

Ito na yung oras para makagala ako kahit papaano. Paniguradong babalik ako sa mansyon niya at ikukulong na naman ako. Edi gagala muna ako bago makulong.

Humarap ako nang nakangiti sakanila. “Tara! Bilis! Natatae na ako!”



NANG makapasok ako sa banyo, mabilis na humarang yung dalawa sa may labas ng pintuan habang ako nasa loob.

Wala naman gaanong tao. Alas-tres palang ng umaga. Tulog pa yung mga nagbabantay sa mga pasyente at syempre, hindi naman tatayo yung pasyente 'di ba?

Mabilis akong humarap sa salamin pero agad akong napatalikod. Baka may multo akong makita. Kung sa bala hindi ako natatakot, sa multo na ako matatakot. Baka mahimatay ako ng 'di oras.

Bakit ba kasi lagi akong gutom? Gutom na gutom ako lagi. Parang dalawa ako kung magutom. Parang hindi ako nabubusog.

Hindi ko namalayan na sampung minuto na pala akong nag-iisip habang nakatingin sa kisame. Nawala lang ako sa pag-iisip nang kumatok na yung dalawa sa pintuan.

Agad kong binuksan yung lock ng pintuan at nagtago sa likod non. Ilang segundo pa nila bago binuksan.

Agad pumasok yung isa pero agad kong hinampas yung batok niya na naging dahilan nang pagkawala niya ng malay. Pasensya na talaga.

𝐌𝐚𝐟𝐢𝐚 𝐋𝐨𝐫𝐝'𝐬 𝐁𝐚𝐛𝐲 (𝐎𝐛𝐬𝐞𝐬𝐢𝐨𝐧 𝐀𝐦𝐨𝐫𝐨𝐬𝐚 #𝟔)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon