Chapter 43

13.2K 571 47
                                    

Chapter 43

Ellis Madrigal

    Mabilis na inihinto ni Rigon yung sasakyan sa tapat ng restaurant. Agad kong natanaw yung mga staff na inaayos na yung loob pero napatingin ako sa isa sa head chef ko nang makita ko siyang tumatakbo papunta dito sa sasakyan ni Rigon kaya mabilis akong bumaba.

"What's happening?" Agad kong bulong matapos siyang salubungin. Halata naman yung takot at kaba niya.

"N-nawawala po lahat ng equipment sa kitchen." Bulong niya sa akin.

Nginitian ko lang siya bago mabilis na pumasok sa loob ng resto. Nilagpasan ko lahat ng mga tao sa loob at dumiretso sa kitchen. Totoo nga yung sinabi niya. Wala yung nga stove, oven kahit yung nga kaldero at kung ano-ano pa wala.

"Kumpleto naman lahat ng ingredients, right?" Tanong ko sa head chef.

"Yes, sir." Sagot naman niya.

"Anong nangyari? Bakit nawala?" Agad naman tanong ni Rigon sa akin.

"Under maintenance po yung CCTV's natin sir." Bulong pa nung head chef na kinangisi ko.

"Everyone, come with me." Turan ko sa kanila at mabilis na lumabas sa kitchen.

"Kayo rin." Turan ko sa mga tao sa labas.

Mabilis akong lumabas sa resto at nakasunod naman silang lahat sa likod ko. Agad akong pumunta sa katabing building ng resto ko which is Italian cuisine. My Italian cuisine restaurant.

"Sir Beaufort." Turan agad sa akin ng manager.

"Close the whole restaurant, now." Turan ko sa kanya at mabilis na pumasok sa kitchen.

"Take all the equipments you need. Tulong-tulong tayo." Agad kong turan sa kanila.

Mabilis naman silang sumunod pati yung design team nakihakot na rin.

"Anong gagawin ko, Princess?" Agad naman turan sa akin ni Rigon.

"Maghakot ka rin!" Turan ko sa kanya na agad naman niyang tinanguan at nagsimulang tumulong.

Mabilis kong kinausap yung manager at sinabing papuntahin lahat ng chef sa kabila para tumulong. Ilang minuto lang, ayos na lahat. Agad kaming bumalik sa resto pagkatapos isara yung Italian restaurant.

Agad akong pumasok sa loob at nagsimula ulit yung design team sa paglilinis at organize.

"Good job. Thank you. Doble ang sahod niyo." Turan ko sa kanila na kinatuwa nila.

Mabilis akong pumasok sa kitchen at nagsama yung team Filipino cuisine at Italian cuisine. Ang dami namin dito. Si Rigon naman, inaayos pa yung ibang stove.

"Good job, guys! Doble ang sweldo. Malinaw yan!" Sigaw ko na kinatuwa nilang lahat at pumalakpak pa.

Kinindatan ko lang si Rigon at nagkunwaring humawak pa sa dibdib niya na parang natamaan ang siraulo na kinatawa ko na lang.

"Double time! Our time is running!" Huling sigaw ko bago tumalikod at mabilis na umakyat papunta sa security room.

No. Hindi under maintenance ang mga CCTVs. Pinalagay ko lang yung sign because parang alam ko na, na masasabutahe ang opening ng restaurant ko. Ang alam ko ay hindi alam ni Sabrina pero alam ko naman na aalamin at aalamin niya talaga.

Agad kong nireview yung footage. Tatlong malalaking truck yung dumating at sinakay lahat ng equipments sa resto ko. May isang itim na kotse pero hindi na nakakuhanan sa CCTV pero nakuhanan sa CCTV ng Italian restaurant ko.

𝐌𝐚𝐟𝐢𝐚 𝐋𝐨𝐫𝐝'𝐬 𝐁𝐚𝐛𝐲 (𝐎𝐛𝐬𝐞𝐬𝐢𝐨𝐧 𝐀𝐦𝐨𝐫𝐨𝐬𝐚 #𝟔)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon