Chapter 26

15K 621 30
                                    

Ellis Madrigal

Nagising nalang ako dito sa loob ng isang kwarto. Mabilis naman akong tumayo at minasdan mabuti ang kabuuan ng kwarto. Ibinalik niya na ako ulit dito sa mansyon niya sa gitna ng gubat. Napahinga nalang ako ng malalim bago mabilis na tumayo at isuot ang tsinelas ko bago naglakad palabas ng kwarto.

Tandang-tanda ko pa kung anong nangyari kahapon. Pinatay ko lang naman ang sarili kong ama. Hindi naman ako nagsisisi. Medyo malungkot lang dahil ama ko siya pero sobra na eh. Kailangan ng matapos. At sa mundong ginagalawan ko, hindi pwedeng emosyon ang pinapagana. Utak at katawan. Hindi puso at nararamdaman.

Tuloy-tuloy ang baba ko sa hagdan nang walang tinatapunan ng tingin ni isa sa mga tao dito. Agad akong dumiretso sa kusina pagkatapos kong makababa pero napahinto ako nang tawagin ako ni Rigon na kasalukuyang naka-upo sa sala.

“Princess, how are you feeling? Are you okay?” Agad niyang tanong na tinawanan ko lang ng mahina bago muling naglakad.

“Hey! Kinakausap kita!” Turan niya pa ulit kaya napatigil ulit ako at mabilis na humarap sakanya.

“Yes. I'm completely fine.” Walang emosyon kong sagot ko sakanya. “Please stop acting like you are concern. Hindi bagay sa demonyong katulad mo.” Naiinis kong bulong sabay talikod at muling lakad papunta sa kusina pero napatingin lang ako sakanya nang humarang siya sa dinadaanan ko.

“Anong problema mo? We can talk it out! Why are you so angry? Tell me.” Turan niya habang nakatitig sa mga mata ko. Mabilis naman akong napa-irap bago siya lagpasan.

“You know what Rigon, just tell me what do you want. Maybe I can help you with that. Pakawalan mo lang ako. I need to go home.” Turan ko habanh naglalakad.

“I don't want anything and you are not going home. End of our conversation. Eat your breakfast then re——” Hindi ko na pinatapos yung sasabihin niya dahil sa inis. Kino-control niya na naman ako!

“Ano pa bang gusto mo ha?! You take everything away from me! My family, my dignity, myself Rigon! Nakuha mo na yung lahat! Ano pa ba ha?! Ano pa?!” Hindi ko maiwasang sigaw sa sobrang galit. Lalong nadadagdagan yung galit ko sa tuwing bumabalik sa utak ko yung mga ginagawa niya saakin.

“Akala mo bobo ako? Akala mo ba hindi ko kilala ang tunay na ako para lokohin ako? Tangina naman.” Napamura na ako sa galit. Nakatitig lang siya saakin at hindi kumikibo.

“Sino ka ba ha? Kasi wala akong maalala na pinakilala ka sakin ni kuya Kyle, Klein o Kervin. Hindi ka din pinakilala saakin ni dad at mom. Sino ka sa buhay ko at bakit mo alam kung sino talaga ako?” Mahaba kong tanong sakanya.

“Sumagot ka Rigon!” Hindi ko pa mapigilang sigaw dahil sa galit. Ni hindi man lang mag-ni ho-ni ho para sagutin ako.

“Are you finish? Go eat you——” Mabilis ko siyang sinampal dahil sa galit.

“Putangina mo!” Mura ko sakanya. Wala akong pakialam kung sinong nanunuod, kung sinong nakakakita. Basta mailabas ko lang lahat ng galit ko.

“Masaya ba na paglaruan ako ha? Masaya ba? Tapos ka na ba? Pwede na ba akong umalis ha?” Natatawa kong bulong sakanya.

“Ilang beses ko ba dapat sabihin sayo na, hindi ka aalis. Dito ka lang. Saakin ka lang.” Turan niya saakin na lalong kinatawa ko at kinainis.

“Sino ka para angkinin ako ha? Wala kang papel sa buhay ko!” Sigaw ko sakanya. “Alam mo kung ano ang kaya kong gawin, Rigon.” Dugtong ko pa. Ngumiti naman siya bago siya ngumisi na parang nang-aasar pa.

“Yes. I know. Alam ko ang kaya mong gawin. You can kill me in an instance.” Bulong niya habang nakangisi na lalong kinainis ko. “Pero kaya mo ba akong patayin?” Dugtong niya na kinatahimik ko ng ilang segundo. Hindi ko alam. Bakit hindi ko alam?! Bakit nagda-dalawang isip ako? Bakit parang may pumipigil saakin.

𝐌𝐚𝐟𝐢𝐚 𝐋𝐨𝐫𝐝'𝐬 𝐁𝐚𝐛𝐲 (𝐎𝐛𝐬𝐞𝐬𝐢𝐨𝐧 𝐀𝐦𝐨𝐫𝐨𝐬𝐚 #𝟔)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon