Chapter 29

13.1K 563 103
                                    

Third Person POV

    Patuloy pa din sa pag-iyak si Ellis habang naglalakad palayo mansyon ng matandang Madrigal. Mahigpit din siyang nakahawak sa tyan niya at hindi alintana ang sakit na dulot nito.

Napapikit naman siya sa liwanag na sanhi ng padating na kotse. Agad tumigil ang kotse sa tapat at mabilis na bumaba si Kyle.

"Princess!" Malakas na turan ni Kyle at mabilis na nilapitan ang umiiyak na Ellis at mabilis na dinamba ng yakap.

"K-kuya, ayoko n-nito. A-ayoko nito! Ayoko! Ayoko!" Paulit-ulit na sigaw ni Ellis habang nakayakap kay Kyle. Mabilis na hinawakan ni Kyle ang mga kamay ni Ellis para mapigilan ito sa pagsakit sa sarili niya.

"Shhhhh... You will be alright, Princess. Trust me. Magiging okay din yung lahat." Bulong pa ni Kyle habang hinahaplos-haplos ang ulo ni Ellis.

"B-bakit ito pa yung binigay niya? A-ayoko nito. Ayoko nito!" Umiiyak niya pang bulong kay Kyle. Tanging pagyakap lang ang naibigay ni Kyle at haplos habang humahagulgol si Ellis. Agad naalarma si Kyle nang mawalan ng lakas si Ellis pero agad niya itong nahawakan.

"Princess?! E-ellis?! Wake up!" Sunod-sunod na bulong ni Kyle habang tinatapik ang mga pisngi ni Ellis. Lalo pang nadagdagan ang kaba niya nang hindi nagmumulat ng mata si Ellis.

"Holy s-shit!" Mura niya sabay buhat kay Ellis at mabilis at maayos na isakay ito sa kotse.

Halos lumipad na ang kotse ni Kyle sa bilis ng patakbo niya pero hindi niya binitawan ang kamay ni Ellis kahit ilang segundo lang.

Habang nagmamaneho, agad tinawagan ni Kyle ang kapatid niyang si Kervin. Plinano nilang lahat ito. Plinano nila kasama si Richard.

"Nahimatay si Princess! I'm going straight to the nearsest hospital." Agad na sabi ni Kyle at lalong pinabilis pa ang takbo ng kotse. Walang pakialam sa mga kaliwa't kanan na sasakyang kasabay niya.

Halos ilang minuto lang ay nakarating na siya sa pinakamalapit na ospital. Mabilis siyang bumaba at mabilis na binuhat si Ellis papasok sa Emergency Room.

"Help! He's unconcious!" Malakas pa na sigaw niya bago ihiga si Ellis sa stretcher. Mabilis naman silang nirespondihan ng mga doctor.

"Anong nangyari? Ayos lang siya 'di ba?" Agad pang turan ni Kyle habang tinitignan ng mga doctor si Ellis. Hindi umalis si Kyle sa tabi ni Ellis at nakahawak lang siya ng mahigpit sa kamay ni Ellis.

"Ellis! Anak!" Napatingin nalang sila nang sumulpot si Elise, ang ina ni Ellis kasama ang asawa niyang si Kiel at ang dalawa pa nilang anak na si Kervin at Kevin.

"Anong nangyari sa anak ko? He's okay right?" Turan pa ni Kiel. Patuloy lang naman na chinecheck ng doctor si Ellis at nakatitig lang ang buong pamilya sakanila at si Elise naman ay iyak lang nang iyak patuloy naman ang pag-alo sakanya ni Kiel.

"He's totally fine. Nasobrahan lang siya sa pagod kaya nahimatay. I'll do another test kapag nagising siya." Paliwanag lang ng doctor sakanila at umalis na.

Agad naman lumapit si Elise at hinawaka ang kamay ni Ellis.

"A-anak... Ilalayo na kita dito. Hindi ka na masasaktan. O-okay?" Bulong pa ni Ellis bago halikan si Ellis sa labi bago mabilis na tumingin kay Kyle.

"Kyle, dalhin mo si Ellis sa France ngayon. Susunod agad kami. Kukunin lang namin yung nga gamit niya."

Walang kaalam-alam si Rigon na habang nalubog siya sa panaginip, hindi niya alam na inilalayo na si Ellis sakanya.

Hindi na hinintay magising si Ellis. Agad silang sumakay ni Kyle sa private plane papuntang France kung saan mamalagi si Ellis nang tuluyan kasama ang buong pamilya niya.

𝐌𝐚𝐟𝐢𝐚 𝐋𝐨𝐫𝐝'𝐬 𝐁𝐚𝐛𝐲 (𝐎𝐛𝐬𝐞𝐬𝐢𝐨𝐧 𝐀𝐦𝐨𝐫𝐨𝐬𝐚 #𝟔)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon