Chapter 16

15.6K 749 121
                                    

Third Person POV

“Yan Rigon! Yung malaki!” Turo ni Ellis sa mangga habang tumatalon-talon at nakatingala.

“Where is it?!” Sigaw naman ni Rigon habang naka-akyat sa itaas ng puno. Nakasuot ng pants at white longs sleeve na tila walang pakialam kahit malagyan siya ng dagta basta makuha ng mangga si Ellis.

“Ayan oh! Ang tanga naman!” Hindi naman mapigilang sigaw ni Ellis kaya napatingin si Rigon sakanya. Agad naman siyang napangiwi at nag-peace sign.

Limang malalaking mangga na ang nakuha ni Rigon at okay na daw yon sabi ni Ellis na takam na takam na.

Mabilis na tumalon si Rigon sa ibaba nang malapit na siya pero napangiwi siya dahil namali siya ng pag-apak. Mabilis naman siyang tumayo at hindi ininda ang sakit at iniabot kay Ellis yung mga mangga.

“Wow! Ang dami!” Sigaw pa ni Ellis habang hawak-hawak yung mangga at yakap na niya yung iba pang mangga.

Hindi niya man lang tinapunan ng tingin si Rigon at mabilis na tumalikod at tumakbo pabalik sa bahay.

Napahawak naman si Rigon sa puno ng mangga dahil sa kirot sa isang binti niya. Agad siyang nilapitan ng mga alagad niya pero hindi niya pinalapit ang mga ito.

“I'm fine.” Bulong niya bago naglakad ng iika-ika.

Napaika na talaga siya sa sobrang sakit. Dahan-dahan lang siyang naglalakad.

Nang makapasok siya agad sa mansyon, naamoy niya agad yung hindi kaaya-ayang amoy kaya kahit iika-ika ay pumasok siya sa kusina.

Agad siyang sinalubong ni Lyn dahil busy si Ellis sa pagluluto ng bagoong.

“What's that smell?” Tanong niya kay Lyn.

Tinuro naman ni Lyn si Ellis na wala talagang pakialam sa paligid habang nagluluto.

“Bagoong po sir Beaufort.” Tumango nalang si Rigon bago naglakad ng dahan-dahan papunta sa dulong upuan at umupo.

Agad naman lumapit yung isang katulong dala yung laptop ni Rigon at yung certificate ni Ellis mula sa university niya. Meron din binili si Rigon na frame para sa certificate ni Ellis.

Tila hindi niya namamalayan na nakangiti na pala siya habang nakatitig sa certificate ni Ellis na ang pangalang nakalagay ay, ‘Beaufort, Sol Elliot Q.’ pero agad niya din na itinago nang nakitang humarap si Ellis.

Hindi naman siya tinapunan ng tingin ni Ellis kaya kinuha niya yung isa pang folder na naglalaman ng medical certifate ni Ellis na ilang araw niyang hinintay.

“Aray!” Bubuksan niya na sana yung folder nang marinig niya yung daing ni Ellis kaya mabilis siyang napatayo at napatakbo da tabi nito.

Kitang-kita niya yung pagdugo ng kamay ni Ellis na kinamura niya. Agad niyang sinubo yung daliri ni Ellis na kinagulat mismo ni Ellis bago hatakin si Ellis ng maingat papunta sa lababo at hugasan yung sugat niya.

“Bakit hindi ka ba nag-iingat?!” Hindi mapigilang sermon ni Rigon pagkatapos linisin yung sugat ni Ellis.

“Get the first aid kit.” Agad naman tumalima yung mga katulong at mabilis na kinuha yung first aid kit at iniabot kay Rigon.

Napapangiwi pa si Ellis sa hapdi ng alcohol kaya ang ginawa ni Rigon, sinamahan niya ng paghipan. Nang malinis niya na, binalot niya yung may kalalimang sugat ni Ellis.

“Be careful Ellis. Hindi eleven ang daliri mo o tutubo ulit kapag naputol.” Medyo may inis pang sabi ni Rigon.

Napairap nalang si Ellis at kinuha na yung mangga para balatan ulit pero mabilis nang kinuha ni Rigon yung kutsilyo at siya na mismo yung nagbalat.

𝐌𝐚𝐟𝐢𝐚 𝐋𝐨𝐫𝐝'𝐬 𝐁𝐚𝐛𝐲 (𝐎𝐛𝐬𝐞𝐬𝐢𝐨𝐧 𝐀𝐦𝐨𝐫𝐨𝐬𝐚 #𝟔)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon