Chapter 24

15.4K 620 40
                                    

Ellis Madrigal

Nakatulala lang ako sa labas ng bintana habang mabilis na tumatakbo yung sasakyan ni Rigon.
Kinakabahan kasi ako. Baka masaktan na naman ako. Pero ano bang magagawa ko? Wala naman akong laban sakanya. Sa katawan niya palang lugi na ako. Ang magagawa ko nalang ay tanggapin yung sakit na ibibigay niya.

Napabuga nalang ako ng hininga habang nakatitig sa labas. Sobrang dilim pa. Maaga pa. Hindi ko din alam kung saan kami uuwi ngayon. Pero kung ako ang papipiliin, mas gusto ko doon sa mansyon niya. Ang dami kayang pwedeng gawin don! Atsaka namimiss ko na si Akiko. Sana ayos lang siya.

Hindi ko namalayan na huminto na pala yung sasakyan namin. Napaiktad pa ako nang tanggalin ni Rigon yung suot kong seatbelt. Mabilis ko tuloy naharang yung kamay ko sa mukha ko kasi akala ko sasaktan niya ako.

Nakita ko siyang napatigil sa ginagawa niya at napatitig sa mga mata ko. Gusto ko mang alisin yung titig, hindi ko magawa. Hindi din ako makagalaw sa kinauupuan ko.

Nakita ko kung paano magdikit yung mga kilay niya at alisin yung hawak sa seatbelt nang hindi man lang naalis yung seatbelt saakin.

Mabilis siyang bumaba ng kotse. Napatingin naman ako sa labas at nakitang nasa tapat kami ng mataas na building.

Hindi na ako nagulat nang buksan niya yung pintuan ng kotse sa tapat ko. Napa-atras nalang ako nang mabilis siyang yumuko at alisin yung seatbelt ko. Nakatitig lang ako sakanya habang busy siya sa ginagawa niya.

Nang maalis na niya, mabilis niyang hinawakan yung isang kamay ko at marahan niyang pinatong yung isa niyang kamay sa ulo ko bago ako hatakin patayo, palabas ng kotse.

Naramdaman ko pang inayos niya yung balabal sa ulo ko bago kuhanin yung plastik na hawak ko.  Ako naman ay nagmamasid lang sa paligid. Nasa isang building kami na parang condo.

Dumako naman yung tingin ko sakanya nang mapansin hindi pa siya naglalakad papasok. Nakita kong nakatitig lang siya saakin ng matiim.

“B-bakit?” Bulong ko.

Nagulat ako nang hawakan niya yung isang kamay ko at mabilis binuksan yung palad ko. Nanlaki yung mata ko nang kuhanin niya yung kapirasong papel na binigay saakin ni lolo.

“R-rigon...” Mahinang bulong ko habang nakatingin sakanya na parang nagmamakaawang huwag kunin yung papel.

Gusto ko pang makilala si lolo Grego. At isa pa, nangako ako kay lolo na tatawagan ko siya. Kahit si lolo Grego lang.

“Pinagsasalita ba kita?” Turan niya saakin na kinayuko ko at kinailing.

Ngayon ko lang napansin na nakasuot pa siya ng hospital gown at slippers.

Naramdaman ko nalang yung hawak niya sa bewang ko at sabay kaming naglakad papasok ng building. Hindi ko na pinansin yung mga guards. Nakakalungkot. Bakit kailangan kong maranasan 'to? Munting kasiyahan ko nalang pinagdadamot pa.

Napahinga nalang ako ng malalim. Hindi ko namalayan na nakapasok na kami sa elevator at siya na mismo yung pumindot kung saan impyerno man kami papunta. Impyerno na naman.

Nakayuko lang ako at ayaw siyang tignan. Nalulungkot talaga ako. Si lolo Grego. Hays. Kung pwede lang ako tumakas dito.

Mabilis kaming humakbang palabas ng elevator nang huminto na. Napatingin ako sa paligid at napansin walang ibang kwarto bukod sa nag-iisang double door room sa pinakadulo nitong pasilyo.

Doon kami nagtungo at mabilis na inilapat ni Rigon yung kamay niga kung saan. Muntik pa akong magulat nang kusang bumukas yung pintuan.

Agad niya akong hinatak papasok. Napanganga nalang ako sa ganda nitong bagong bahay niya. Parang smart house. Modern ba. Sobrang laki ng space at higit sa lahat, kitang-kita mo yung view sa ibaba. Ang ganda!

𝐌𝐚𝐟𝐢𝐚 𝐋𝐨𝐫𝐝'𝐬 𝐁𝐚𝐛𝐲 (𝐎𝐛𝐬𝐞𝐬𝐢𝐨𝐧 𝐀𝐦𝐨𝐫𝐨𝐬𝐚 #𝟔)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon