Chapter 32

13.9K 577 32
                                    

Ellis Madrigal

    Natulala lang ako sa kisame habang nakahiga dito sa kama namin ni Elliot. Nakayakap ako sakanya at nakayakap din siya saakin. Nakasubsob yung ulo niya sa leeg ko.

Hindi ko na mabilang kung ilang beses ako huminga ng malalim habang marahan kong hinahaplos ang buhok ng anak ko at nakatitig sa kisame. Ayaw maalis sa isip ko yung sinabi niya. Natatakot ako. Hindi dahil natatakot ako sa anak ko, kundi natatakot ako kung bakit niya alam yung mga bagay na yon. Anim na gulang palang siya! Imposible! Hindi ko kailanman tinuruan siya ng ganon! Ni hindi pumasok sa isip ko na ipaintindi sakanya ang mga bagay na yon! Bakit niya alam yon?!

Nagpalipas pa ako ng ilang minuto bago ko dahan-dahan tignan si Elliot. Nang makita kong nakatulog na siya, hindi ko mapigilang mapangiti at dampian siya ng halik sa noo. Dahan-dahan ko siyang inalis sa pagkakayakap niya saakin at inayos ang higa niya. Mabilis din akong tumayo at naglakad papunta sa pintuan ng kwarto namin. Sinulyapan ko pa siya ng isang beses bago tuluyang lumabas.

Agad akong naglakad, tinutungo yung kwarto ni kuya Kyle. Hindi ko alam kung gising pa siya pero hindi na ako kumatok at mabilis na binuksan yung pintuan. Nakita ko siyang nakaupo sa working table niya at mabilis na napatingin saakin at tumayo.

"Princess? It's already eleven in the evening. Bakit hindi ka pa natutulog?" Agad niyang turan pero tipid na ngiti lang ang sinagot ko bago mabilis na naglakad at sumampa sa kama niya.

Mabilis naman siyang naglakad papunta saakin at tumabi. Nakatitig lang ako sa nakasarang bintana niya. Hindi talaga maalis sa isip ko. Natatakot ako para sa anak ko.

"What's the problem? Tell me." Turan saakin ni kuya at mabilis na hinawakan yung pisngi ko at sapilitang iharap sakanya.

Tinitigan ko naman siya ng ilang segundo bago huminga ng malalim at mabilis siyang yakapin. Agad niya naman akong niyakap pa ng mas mahigpit at ramdam na ramdam ko kung paano niya hagurin ang likod ko at halikan ang ulo ko.

"Sabihin mo. Anong problema?" Bulong niya pa na kinahinga ko ng malalim bago tuluyang nagsalita habang nakayakap sakanya.

"Pinadalhan ako ng bulaklak ni Rigon kanina bago ako umalis." Turan ko pero mabilis niya akong inihiwalay sa yakap niya at tinitigan ako sa mata.

"Don't tell me…" Bulong niya pero agad ko siyang inismiran.

"No! Kuya naman!" Naiinis kong bulong. Ngumiti naman siya at umayos ulit ng upo.

"After ko kila Ace, tinambangan ako kanina." Turan ko na kinakalaki ng mata niya.

"Bakit ngayon mo lang saakin sinabi?! Are you crazy, Princess?! Nasaktan ka ba?" Sunod-sunod niyang tanong na kinatawa ko.

Ang layo ng reaksyon ni Elliot sa reaksyon ni kuya. Grabe.

"I think, they are more than twenty but, may dumating na mga lalaki para tulungan ako." Agad kong sagot sakanya.

"I will kill Beaufort!" Naiinis niya pang bulong.

"Please stop kuya, alam kong hindi ako papatayin ni Rigon! Hindi niya ako kayang patayin." Bulong ko.

"So what's that flower for?" Bulong niya pa.

"It's red roses." Bulong ko. "I'm hundred sure na hindi gagawin ni Rigon saakin na ipapatay ako ng ganon-ganon lang. Hindi niya ako papatayin." Dugtong ko pa.

Huminga naman siya ng malalim at hinawakan ang kamay ko na parang sumasang-ayon sa sinasabi ko.

"At ang kinababahala ko pa kuya, kanina pagka-uwi ko, agad akong pinuntahan ng anak ko sa kusina. He said, I smells like bullets." Bulong ko na sobra niyang kinagulat.

𝐌𝐚𝐟𝐢𝐚 𝐋𝐨𝐫𝐝'𝐬 𝐁𝐚𝐛𝐲 (𝐎𝐛𝐬𝐞𝐬𝐢𝐨𝐧 𝐀𝐦𝐨𝐫𝐨𝐬𝐚 #𝟔)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon