Sypnosis

67.8K 1.1K 56
                                    

Ellis Madrigal
   
    Sumalubong sakin ang ingay, usok at masangsang na amoy ng pinaghalo-halong pabango at alak. Ang dami din nagsasayawang mga lasing sa dance floor. Sobrang lakas pa ng tugtog. Nakakasakit sa tenga.

Napangiti naman ako. Kahit papaano ay makakapag-unwind ako. Pero hindi na tulad ng dating masaya. Parang ang daming nagbago. Ngayon na kapag umaalis ako ay inaalala ko ang anak kong si Elliot.

Alam niyo yon? Yung feeling na, aalis ka pero parang ayaw mo umalis kasi ayaw mo iwanan yung anak mo? Ganon na ganon. Ayokong iwan yung anak ko. Ayokong-ayoko.

Nakatapos na ako ng pag-aaral kasabay ng pagiging ama at ina kay Elliot. Akalain niyo yon? Naitawid ko.  Sobrang nakakatuwa. Akala ko noong una eh hindi ko kaya. Kaya ko pala. Kaya ko naman pala. Anim na taon na din ang lumipas. Ang dami nang nangyari. Ang dami nang nagbago.

Una, isa na akong ganap na magulang. Hindi nalang ako magdedesisyon para sa sarili ko. Kundi para saaming dalawa ng anak kong si Elliot na limang taon gulang na. Bigla ko tuloy siyang na-miss kahit wala pang isang oras ko siyang hindi nakikita.

Atsaka isa pa, kaya lang naman ako pumayag na mag-bar kasi nagyaya si Asher. Kasabay pala namin silang umuwi ng Pilipinas. Miss na miss ko na yung kwagong yon! Ang balita ko nga may boyfriend na yon. Barett daw ang pangalan. Ang harot diba? Nauna pa saakin! Sa tingin ko, hindi pa din ako handa.

Hindi naman ako gaanong nag-aalala kay Elliot. Sila daddy, mom at mga kuya ang nag-aalaga sakanya. Kaya panatag ako. At isa pa, mabait naman yung anak ko.

Naglakad naman ako at nilagpasan ang mga tao bago umupo sa isang table. Agad kong inilabas ang phone ko.

“Hi sir! What do you like to order?” Tanong naman nung kalalapit na waiter.

Ngumiti naman ako at umiling. “May hinihintay pa po ako. Maya-maya na po siguro.” Medyo may kalakasang sabi ko kasi ang ingay dito sa loob.

Grabe may nagsisigawan pa habang may gumigiling na isang lalaki dun sa stage. Iba na pala ang taste nila ngayon.
Napangiti naman ako nang makita ang wallpaper ko. Si Elliot ang anak ko. Si Elliot habang nakaupo siya sa office chair ni kuya Kevin. Nakakatawa nga e, ang init sa Brazil pero ang puti-puti ni Elliot. Hindi ko alam kung bakit hindi umiitim. Palagi kaming nasa arawan pareho naglalaro. Ako iitim na siya espasol pa din. Hahaha.

Isa sa mga ugali ni Elliot, ang hindi madalas na pagngiti. Minsan pinipilit ko siyang ngumiti lagi para hindi siya nakabusangot at laging seryoso yung mukha pero saakin lang siya ngumingiti. Kapag kwinekwentuhan niya ako. Atsaka sa mga tito, lolo, at lola niya. Saamin lang siya open. Madalas tahimik lang siya kapag may ibang tao. Katabi ko o kaya nakandong sakin. Hindi ko ba maintindihan sakanya. Parang sinusuri niya bawat tao na nakakasalamuha namin.

Napatawa naman ako ng mahina. Ito na yung parenthood? Hala siya. Twenty-nine palang ako. Pero ayos lang. Kuntento na ako sa buhay ko. Wala na akong papapasukin sa puso ko kundi ang pamilya ko lang at si Elliot. Hindi ako magsasalita ng tapos. Nagbuga naman ako ng hangin bago tawagan ang number ni Asher. Sabi niya nandito na siya.

“Hello Asher? Sabi mo nandito ka na?” Tanong ko agad ng malakas. Ang ingay talaga.

“Oo nandito El. Nasaan ka ba? Pasok ka na.” Inikot ko naman yung paningin ko sa loob. Wala naman siyang kasing laki ng mata dito eh!

“Saan ka banda Ash? Hindi talaga kita makita.” Turan ko pa.

“Teka nga— saang bar ka pumunta?” Tanong naman niya na kinakunot ng noo ko.

“Dito sa nakasanayan Ash. Ang galing 'no? Nakatayo pa din 'to!” Sagot ko pa.

Naalala ko kasi dati na, sakanya ako unang tumakbo nung makawala ako sa kamay ng hayop na ama ni Elliot. Nag-stay pa ako ng isang araw kay Asher at nag-inom kami dito bago ako umuwi saamin. Grabe yung galit sakin nila mom, kuya at dad noon. Hindi pa kasi nila alam ang nangyari.

𝐌𝐚𝐟𝐢𝐚 𝐋𝐨𝐫𝐝'𝐬 𝐁𝐚𝐛𝐲 (𝐎𝐛𝐬𝐞𝐬𝐢𝐨𝐧 𝐀𝐦𝐨𝐫𝐨𝐬𝐚 #𝟔)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon