Chapter 40

13.5K 610 26
                                    

Chapter 40

Ellis Madrigal

    HALOS isang buwan na ang lumipas. Tahimik naman ang bawat buhay dahil alam kong may plinaplano sila Sabrina. Hindi pwedeng hindi nila ako patahimikin. Alam kong gagawa at gagawa siya ng paraan para magulo ako.

Sa isang buwan na nakalipas, maayos naman ang lahat sa amin ni Rigon. Alam niya ang lugar niya. Alam niya kung saan lang siya dapat. Kahit kailan, hindi siya lumagpas kung saan lang siya dapat. Aba, dapat lang 'di ba.

Dahan-dahan kong pinupunasan ang lens ng salamin ko bago sinuot. Mabilis akong tumingin sa salamin, kuntento na ako sa suot kong white turtle neck at pinarisan ko ng gray na pants at black boots. Hindi naman long sleeves yung turtle neck, parang t-shirt lang siya pero turtle neck at fitted. Bumagay naman eh, naka-tuck in. Nagsuot ako ng belt kasi mas magandang tignan kapag meron belt, Gucci belt.

Nag-spray lang ako ng pabango nang kaunti bago tuluyang lumabas ng kwarto dala ang phone at wallet ko. Binulsa ko ang phone ko at wallet habang pababa sa hagdan. Nakita ko agad sila kuya na nasa sala habang nakikipaglaro kay Elliot. Nandito din pala si Maxence, magkatabi sila ni kuya Kervin at si kuya Klein naman, nakaupo habang nagbabasa. Hindi maabala.

"Papa!" Sigaw sa akin ni Elliot nang makita ako. Agad naman akong ngumiti sa kanya at mabilis siyang kinarga bago siya halikan sa pisngi.

"Aalis muna si papa. Pagbalik ko, pupuntahan natin daddy mo. Okay?" Agad kong bulong sa kanya na kinangiti niya.

"Really Pa?! Be fast, Papa! Take care, I love you!" Huling turan niya bago ako halikan sa labi.

Mabilis ko na siyang binaba at agad na kumaway sa kanya. Hinalikan ko pa siya nang isang beses bago ko nakita si kuya Kyle na tumayo kaya lumabas na ako. Maya-maya lang ay katabi ko na si kuya Kyle.

"What are you planning, Princess?" Agad niyang tanong.

Kinuha ko naman sa kanya yung susi ng kotse ko at agad niyang binigay sa akin. Isang tipid na ngiti lang yung binigay ko sa kanya bago siya halikan sa pisngi.

"They invited me! Sino ba naman ako para tumanggi? Bye, kuya! Yung anak ko ha!"







    IPINARADA ko yung sasakyan ko sa harap nitong restaurant na 'to bago mabilis na bumaba. Napatitig naman ako sa design, yes maganda. Very modern pero I think, out of the theme siya? For me lang ha, kasi ang restautant na 'to is Filipino style, so nagmumukha siyang American or something na iba.

Mabilis ko naman tinignan yung restaurant ko na nakaharap nito. Inspire ang design sa bahay kubo. Who's better? Me or Sabrina? Of course, it's me. No doubt. Hindi man lang marunong sumunod sa theme. Parang ganito lang yan, pinagawa ka ng essay at ang topic mo ay kagandahan pero ang binigay mo katangahan.

Napairap na lang ako bago magtuloy-tuloy sa pagpasok. Agad akong hinarangan ng mga guards niya. Grand opening pinipigilan yung mga tao sa pagpasok? Anong katangahan 'to? Golden Avenue na 'to ha.

"Invitation pleasd." Turan ng isa sa kanila.

Binuksan ko na lang yung phone ko at pinakita yung email na sinend as invitation. Kita ko pa kung paano sila mamutla nang makita yung pangalan ko sa invitation.

"I'm s-sorry." Agad niyang bulong at binuksan yung pintuan.

"That's fine, h'wag ka sanang tumulas sa amo mo." Huling turan ko bago mabilis na pumasok sa loob.

Pagpasok mo, may may apat na pintuan pa. May apat kasi na entrance sa harap. Akala mo naman dadagsain talaga ng mga tao. Mabilis akong pumasok sa loob at napatawa na lang ako dahil Victorian style naman dito sa loob. Seryoso ba siya?

𝐌𝐚𝐟𝐢𝐚 𝐋𝐨𝐫𝐝'𝐬 𝐁𝐚𝐛𝐲 (𝐎𝐛𝐬𝐞𝐬𝐢𝐨𝐧 𝐀𝐦𝐨𝐫𝐨𝐬𝐚 #𝟔)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon