Chapter 20

16.7K 665 44
                                    

Ellis Madrigal

“Ate Lyn? Saan pupunta sila Rigon? Bakit may dala silang mga baril?” Mahinang tanong ko kay ate Lyn habang katabi ko siya dito sa mahabang mesa at kumakain.

Nanlalaki naman yung mga mata niyang tumingin saakin na pinagtaka ko.

“May transaction ba sila?” Sunod ko pang tanong.

Hindi na bago saakin si Rigon. Alam kong masama yan. For sure maraming illegal na gawain yan. Ang dami niya ngang alagad.

Tumango naman si ate Lyn na tinanguan ko nalang din. Madalang lang kasi umalis ng bahay si Rigon. Ewan ko ba. Gustong-gusto ko ngang umalis siya para mahanap ako ng tyempong makapasok sa office niya. Hahanap ako ng paraan para makaalis dito.

Halos isang buwan na ako dito pero ganon pa din ang takbo ng buhay ko. Aral, training, aral, training. Nakakasawa na. Madalang nalang din akong galawin ni Rigon. Minsan ako pa nagyayaya. Mas tinamad pa ako ng sobra pero pinipilit ko pa din. Useless din namang mag-training ako. Halos natutunan ko na lahat.

Isang buwan ko na ding hinahanap yung mga chako ko. Tinago kasi ni Rigon. Hindi ko alam kung ano bang trip ng hayop na yan.

Focus lang ako sa pagkain nang magulat ako dahil hinalikan ako ni Rigon sa noo bago siya tuluyang umalis. Wala tuloy akong nagawa kundi tignan siyang mawala sa paningin ko.

Nakakapanibago din si Rigon. Madalas siyang nakabantay saakin, ayaw niyang napapagod ako, gusto niya laging sa tamang oras ako kumain. Tutok na tutok talaga siya saakin sa hindi ko malamang dahilan.

Ngayon na nga lang ulit siya umalis e! Malamang umaga na babalik yan. Alas-otso na ng gabi at umalis na sila, at sigurado akong alas-kwatro na ng umaga yan makakauwi.

Mabilis kong tinapos yung pagkain ko bago mabilis na tumayo.

“Hoy! Hoy! Hoy!” Sigaw saakin nung epal na mayordomang kinainit ng ulo ko.

Laging mainit ang dugo saakin ng matandang 'to. Hindi ko naman inaano. Mabuti nga hindi ko pinapatulan.

“Yung pinagkainan mo. Hindi ka prinsesa dito.” Masungit niyang turan saakin na kinatawa ko lang.
“Eh bakit 'Princess' ang tawag saakin ng amo mo?” May pagka-sarkastiko kong sagot sakanya.

“Hindi ko trabaho yan tanda. Gawin mo ang trabaho mo.” Inis kong singhal bago siya talikuran at magsimulang umakyat papunta sa itaas.

Mabilis akong pumasok sa kwarto ko kung saan niya ako kinulong dati. Mabilis kong hinalungkat yung kasuluksulukan ng kwarto. Kailangan kong makahanap ng phone o yung phone ko man lang.

Napagod ako pero wala kahit anong pwede kong gawing pantawag. Wala din akong mahiram kay ate Lyn kasi ang sabi niya bawal daw ang paggamit ng phone sakanila. Madalas daw ay nasa guard house yung lahat ng phone nila.

Mabilis akong pumasok sa kwarto namin. Agad kong pinuntahan yung pintuan ng opisina niya pero laking dismaya ko nang nakalock yon. Kailangan ng fingerprint o code. Agad kong sinubukan yung fingerprint ko. Lahat na ng daliri sinubukan ko pero ayaw pa din. Agad kong sinubukan yung code. Nanghula ako ng anim na numbers pero hindi gumagana. Triny ko na lahat pati yung favorite numbers ko ayaw pa din. Isa nalang yung pag-asa ko. Yung birthday ko. Mabilis kong inilagay yung birthday ko. Halos mapatalon ako sa tuwa dahil gumana.

Hindi ko na inisip kung bakit birthday ko yung nakalagay na code. Mabilis kong binuksan yung pintuan. Agad akong pumasok. Walang CCTV dito. Huling pasok ko dito ay wala akong nakitang CCTV.

Agad akong tumakbo at umupo sa upuan niya at binuksan yung laptop. May password din. Agad kong sinubukan buksan yung laptop pero hindi ko mabuksan.

𝐌𝐚𝐟𝐢𝐚 𝐋𝐨𝐫𝐝'𝐬 𝐁𝐚𝐛𝐲 (𝐎𝐛𝐬𝐞𝐬𝐢𝐨𝐧 𝐀𝐦𝐨𝐫𝐨𝐬𝐚 #𝟔)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon