Chapter 36

14.1K 659 67
                                    

Chapter 36

Ellis Madrigal

    Naglalakad na ako papasok ng bahay matapos makipag-usap kay Rigon nang makita ko si mommy sa sala. Mag-isa siyang nakaupo don kaya mabilis akong naglakad papunta sa sala.

   

    Agad naman siyang napatingin saakin at agad akong sinuklian ng ngiti. Nginitian ko naman siya ng tipid bago umupo sa couch at inayos ang higa ng anak ko sa braso ko.

   

    "What's the matter, mom? You look sad." Bulong ko habang hinahaplos-haplos ang ulo ng anak ko habang nakangiti.

   

    Napatingin naman agad ako sakanya nang marinig ko siyang huminga nang malalim. Nakatitig lang siya kay Elliot at walang kahit anong ekspresyon sa mukha na pinagtaka ko.

   

    "I just saw you talking to Rigon. Naisip ko lang na, kung nagabayan kita ng maayos hindi sana mangyayari sayo 'to ngayon, anak. Hindi ka sana nahihirapan ngayon." Turan niya saakin.

   

    Ngumiti naman ako sakanya na nagpapahiwatig na ayos lang ako.

   

    "Sino ba nagsabing nahihirapan ako, mom? Nagpapatawa ka naman eh!" Bulong ko na sinabayan ko pa ng mahinang pagtawa. "To be honest, nahirapan talaga ako noong dumating si Elliot sa buhay ko. Pero nandyan ka naman, kayo nila dad at mga kuya para tulungan ako sa pag-aalaga sakanya." Nakangiti kong dugtong habang nakatitig kay Elliot.

   

    "Kung iniisip mo na hindi mo ako naprotektahan kay Rigon, ayos lang naman. Hindi mo na kasalanan yon. Kasalanan na ni Rigon yon dahil ginawan niya ako ng ganon bagay. Matagal naman nang nangyari kaya kalimutan na natin." Turan ko pa bago tumingin sakanya habang nakangiti.

   

    "Naniniwala kasi ako na, kahit anong dilim pa ng napagdadaanan mo, humanap ka ng paraan para makapasok ang liwanag na magpapasaya sayo. Sabihin na natin madilim nga yung mundo ko dahil sa ginawa ni Rigon pero pinapasok naman niya yung liwanag na nagpapasaya saakin ngayon." Bulong ko pa. Nakatitig lang saakin si mom at nakikinig.

   

    "Sinabi saakin ni Elliot na, h'wag kong lunurin ang sarili ko sa galit dahil kapag nangyari yon, makakagawa ako ng mga bagay na hindi ko pinag-isipan." Huling bulong ko.

   

    "What about Rigon? Is it a good decision na ipahiram mo yung anak mo sakanya? Magiging malapit lang siya sayo." Turan saakin ni mom.

   

    "Yes. It's a good decision. Why mom?" Nakangiti kong bulong. "Kasi buo na ang pagkatao ng anak ko ngayon. Hindi na siya mangungulila sa tunay niyang ama. Hindi na siya maghahanap ng ama kahit hindi niya sinasabi saakin." Bulong ko.

   

    "H'wag kang mag-alala na may mangyari o gawin masama saakin si Rigon. Wala na akong pakialam basta masaya at ligtas ang anak ko. And, I'm hundred percent sure na hindi na ako gagawan ng masama ni Rigon. Takot lang niya saakin!" Natatawang bulong ko.  "Kaya h'wag ka nang mag-alala sa prinsesa mo. Ayos lang ako. Mas masaya na ako ngayon. Tandaan mo mom, laging nauuna si Elliot sa puso ko. Hindi ako gagawa ng mga bagay na ikasasama niya o namin. Ginawa ko lang 'to para hindi na mangulila si Elliot sa ama niya. At sa tingin ko naman, nagbago na si Rigon na dapat lang." Dugtong ko pa.

𝐌𝐚𝐟𝐢𝐚 𝐋𝐨𝐫𝐝'𝐬 𝐁𝐚𝐛𝐲 (𝐎𝐛𝐬𝐞𝐬𝐢𝐨𝐧 𝐀𝐦𝐨𝐫𝐨𝐬𝐚 #𝟔)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon