Chapter 44

13K 567 60
                                    

Chapter 44

Ellis Madrigal

    "I'm very honored na makita ka talaga dito, Sabrina." Nakangiti kong turan sa kanya bago dahan-dahan maglakad papunta sa kanya at ilapat nang marahan ang palad ko sa pisngi niya.

"You look beautiful." Bulong ko. Kitang-kita ko naman yung takot niya at panginginig na kinangisi ko. Tinapik ko lang ng dalawang beses yung pisngi niya bago tumingin kay Richard.

"You are handsome today!" Turan ko sa kanya at inayos yung kwelyo niya at nginitian siya. Nanatili naman siyang nakatitig sa akin at walang binibigay na kahit anong ekspresyon.

"Princess." Napatingin naman ako agad kay Rigon. Magkasalubong yung kilay niya at halatang hindi na natutuwa sa ginagawa ko kaya agad akong lumayo kay Richard pero nagulat ako nang hawakan ni Richard ang kamay ko na kinalaki ng mga mata ko.

Agad naman akong hinawakan ni Rigon sa bewang at hinatak yung kamay ko kay Richard.

"Tangina!" Mahinang turan ni Rigon pero ramdam ko yung galit niya kaya mabilis akong umatras. Agad niyang pinalupot yung kamay niya sa tyan ko.

"Really Rigon?! Sa harap ni Raizon?!" Turan naman ni Sabrina. Nilibot ko yung paningin ko sa loob. Halos kumakain na lahat at kami na lang yung nakatayo. Nakatingin din yung karamihan sa amin.

"Enough. Pinagtitinginan na tayo." Bulong naman ni Richard habang nakatitig sa akin.

Mabilis na lang akong tumalikod at hinayaan si Rigon kung saan ako dadalhin. Agad niya akong dinala sa office at pabagsak na sinara yung pintuan. Nanatili lang akong nakatayo sa tabi ng pintuan at siya naman ay nakatitig sa akin.

"What?" Tanong ko sa kanya.

"D-don't do it again please? It's killing me! He likes you! Stay away from him!" Malakas na turan niya at laking gulat ko nang lumuhod siya.

"H-he likes you. I know dad. H-hindi siya titigil kapag hindi niya nakuha yung gusto niya. I'm b-begging you, stay away from him." Dugtong niya habang nakaluhod.

"Tumayo ka nga!" Naiinis kong bulong at hinatak siya patayo.

"Wala kang tiwala sa akin?" Dugtong ko pa. Nagulat naman ako nang bigla siyang umiyak at mabilis akong niyakap.

"N-no. May tiwala ako sayo. I can't trust him. H-hindi ko alam yung gagawin ko kapag kinuha ka niya sa akin. P-please princess, stay away from him. Nagmamakaawa ako." Umiiyak niyang bulong.

Napahinga na lang ako nang malalim bago hawakan yung mga pisngi niya at punasan yung mga luha sabay ngiti.

"I'm always be yours, Rigon. No matter what happen, I'm still your Princess, you are still my Rigon."







    NANG makababa na kami ni Rigon, agad akong pumunta sa table nila dad. Busy din yung mga tao sa pagkain.

"Mom, dad." Agad kong bulong sa kanila. Agad naman umupo si Rigon sa tabi ko at binigyang pansin si Elliot na kumakain na rin.

"Princess." Turan ni dad sabay ngiti sa akin na agad ko naman nginitian din. "Another success for you." Dugtong ni dad na kinatawa ko.

"My success is our success." Bulong ko na lang at tumingin kay Rigon sabay ngiti. Naramdaman ko naman na hinawakan niya yung kamay ko at ngumiti rin.

"How shameless. Nakuha niya pa talagang pumunta kahit sinabotahe niya yung opening? Walang hiya." Napangisi ako nang makarinig ako nang bulungan sa may katabing table.

𝐌𝐚𝐟𝐢𝐚 𝐋𝐨𝐫𝐝'𝐬 𝐁𝐚𝐛𝐲 (𝐎𝐛𝐬𝐞𝐬𝐢𝐨𝐧 𝐀𝐦𝐨𝐫𝐨𝐬𝐚 #𝟔)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon