Chapter 25

15.9K 605 74
                                    

Ellis Madrigal

“Kunin niyo na ang gusto niyong kunin sa katawan ko! Pakawalan niyo lang silang lahat.”

“That's great Kaine!” Huling mga salita na narinig ko bago natapos ang katahimikan.

Dahan-dahan kong minulat ang mga mata ko at nakita yung sunod-sunod na paglakad ng mga sciencetist na naka-lab suit. Mabilis kong pinagmasdan kung nasaan ako. Sa isang capsule sa loob ng laboratory room.

Sinubukan kong buksan yung glass door pero hindi mabuksan. Ginawa kaming mga manika. Tsk. Napilitan akong kapain yung wire ng capsule na 'to sa may bandang likod ko.

Kasabay ng paghatak ko ay ang pagkamatay ng ilaw ng capsule ko. Dahan-dahan konh tinulak yung glass door pabukas at dahan-dahan bumaba. Agad akong nagtago sa likod ng capsule bago abutin yung batok ko na kanina pa masakit. Napakunot yung noo ko nang may makapa akong kung ano kaya mas lalo ko pang kinapa at laking gulat ko nang mahulog iyon sa sahig. Mabilis kong pinulot kahit nababalutan pa ng dugo.

Wala akong pamunas kaya mabilis kong sinubo at iniluwa ulit. Isang maliit na capsule. Sobrang liit na may naka-sulat na, QC-12. Isang human microchip. Malamang, connected ito sa utak ng isang tao pero hindi man lang gumana saakin.

Napatingin naman ako sa labas nang may sumabog at mabilis akong nagtago sa likod ng capsule. Nakikita ng mga mata ko yung dalawang lalaki sa itaas.

Ilang segundo lang ay mabilis din silang pumasok ulit. Agad naman akong mapatingin sa mga sciencetist na 'to.

Iyak naman ng iyak yung batang tinali nila. Ang laki na nga ng mata, pinapaiyak pa. Sumenyas lang ako sakanya na tumahimik siya bago ako naglakad at mabilis na sinipa yung isa sa mga scientist at mabilis na kinuha yung tray bago ihampas doon sa isa. Sinapak ko nalang pareho yung dalawa. Kumuha pa ng syringe at balak pa itusok saakin. Akala naman niya magagawa niya. Tsk.

Agad kong pinuntahan yung binata at inalis yung tali sa paa niya. Ayoko na siyang paiyakin. Baka lalong manlaki yung mata.

“You need to save them. Para magising sila, kailangan mong alisin yung chip sa batok nila.” Utos ko sakanya agad nang tuluyan ko nang maalis yung tali. Kitang-kita naman yung pagtataka sa mukha niya.

“P-paano ko aalisin?” Bulong niya.

“Kapain mo at idiin mo ng dahan-dahan.” Turan ko mabilis na lumayo sakanya. Agad akong tumakbo sa may computer system nitong buong lugar. Yes, ang lugar na ito ay pinapagana ng technology. Hindi na ako nagulat nang makita sa system yung sampung libong bilang ng nga capsules at microchip. Ibig sabihin, sampung libo din kami dito. Agad kong finorce shutdown. Hindi naman ako takot mahuli. This people na kasama ko ay high profiles. Starting with Kaine Caleron, Heir of Herrera-Caleron Airlines. Next in the line, Ignace Alegria, Salazar's Heirs. Skyler Lewis, Lewis' Corporation International owner. Hindi ko na sila iisa-isahin pa. Imposibleng walang mga back up ang mga taong 'to. And I guess, isang araw palang kami dito.

“Go! Save them! Ako na bahala sa asawa at lolo mo.” Sigaw ko pa sakanya pagkatapos kong isuot yung robe at mabilis na tumakbo papunta doon sa isang entrace papunta sa main system nitong buong lugar. Kailangan kong i-shutdown yung buong system ng lugar. Naka-lock yung bawat dadaanan. Mas mahihirapan kami. Nakita ko naman yung pinakadaanan kanina sa computer.

Nakarinig pa ako ng sunod-sunod na pagsabog mula sa labas. Nagsisimula na sila. Naglalakad lang ako sa deretsong pasilyo nitong lugar na ito at may isa pang daan paliko. Malayo palang ay narinig ko na yung mga yabag mula doon kaya mabilis akong nagtago sa gilid.

Nangisi nalang ako nang makitang lumabas doon yung isang scientist at nagmamadali pa. Hindi niya ako napansin. Agad kong sinipa yung tuhod niya dahilan para mapaluhod siya bago kuhanin yung isa sa syringe na nasa pocket ng lab suit niya at itusok sa leeg niya. Agad akong naging alerto nang marinig pa yung yabag ng iba pa niyang kasama. Kaya mabilis akong mapatayo at agad na sinalubong ng sipa sa mukha yung nauuna sakanila sabay ng pagpilipit ko sa leeg ng isa at isang hampas naman sa leeg ng isa. May apat pa.

𝐌𝐚𝐟𝐢𝐚 𝐋𝐨𝐫𝐝'𝐬 𝐁𝐚𝐛𝐲 (𝐎𝐛𝐬𝐞𝐬𝐢𝐨𝐧 𝐀𝐦𝐨𝐫𝐨𝐬𝐚 #𝟔)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon