Chapter 37

13K 617 48
                                    

Chapter 37

Ellis Madrigal

    Bumilis ang lakad ni Rigon nang makita niyang may kausap ako habang pabalik dito at napatakbo na siya nang mamukaan niya si Sabrina. Mabilis lang akong nag-iwas ng tingin sakanya at muling tumingin kay Sabrina.

"I told you, loyal siya. Isang tingin ko lang susunod na, nanginginig pa siya." Natatawang bulong ko.

Inis naman siyang humarap saakin na lalong kinatawa ko.

"How dare you?! Homewrecker! Kabit ka lang! May anak kami!" Sigaw niya saakin na kinagulat ko.

"Are you dumb? I said, he's my bodyguard and my driver. So anong kinakagalit mo?" Nakangisi kong turan at mabilis na lang akong mapatingin kay Rigon nang kunin niya ang hawak kong invition. Kitang-kita ko kung paano niya niyukot ang papel gamit ang palad niya.

"What are you doing here, Sabrina?" Turan niya.

Ako naman ay umatras ng kaunti. Agad naman lumapit si Sabrina sakanya at niyakap pero agad siyang tinulak ni Rigon. Napatawa na lang ako at kunwaring huminto nang tumingin saakin si Sabrina.

"So ito ang inaatupag mo? Bakit hindi mo atupagin ang kasal natin at ang anak natin?" Turan naman ni Sabrina kay Rigon.

"Oo nga naman!" Turan ko naman.

Agad naman akong tinignan ng masama ni Rigon nang ilang segundo pero tumingin ako sa likod ko na parang pinaparating na kung sino ang tinitignan niya.

"Hindi tayo ikakasal at wala akong anak sayo!" Sagot naman ni Rigon sakanya at binato ang yukot na invitation sa harap ni Sabrina.

"May point ka don!" Turan ko naman kaya si Sabrina ang tumingin saakin ng masama.

"Bakit hindi ko na lang ba tanggapin na anak mo si Raizon?! Ikaw ang ama niya!" Sigaw ni Sabrina.

"Bakit hindi mo kasi tanggapin, Rigon? Nakakaloka ka naman! Hay grabe na ang mga lalaki ngayon!" Sabat ko naman sabay iling.

"Please stop, Princess." Turan ni Rigon saakin pero nginisian ko lang siya.

"Pero Sabrina, matanong nga kita…" Turan ko pa din bago maglakad papunta sa tabi ni Rigon. "Bakit hindi mo pangalanang, Richard Jr. ang anak——" Hindi ko pa natatapos ang sasabihin ko nang mabilis siyang sumugod saakin pero mas mabilis na hinatak ako ni Rigon papunta sa likod niya.

"I will kill you." Rinig ko pang bulong ni Rigon.

"This is not fair, Rigon! Isusumbong kita sa daddy mo!" Turan pa ni Sabrina.

"Go. Go ahead." Sagot naman sakanya ni Rigon. "You can all go after me. Pero kapag ginalaw niyo si Ellis, pasensyahan tayo. Hahatakin kita pababa sa impyerno." Bulong ni Rigon at ako naman ay nanatiling tahimik dito sa likod niya. Ako na lang hahatak please?

"You can't stop us, Rigon. Papatayin ko si Ellis." Turan ni Sabrina na naging dahilan nang pagsilip ko sakanya habang nasa likod ni Rigon.

"Really? You can't kill me, Sabrina. It's either na maliligo ka sa sarili mong dugo o basag ang bungo. Maliligo ka pa din sa sarili mong dugo sa dalawang choice mo. So I would advice na, leave me alone. Hindi mo magugustuhan makipaglaro saakin." Nakangisi kong turan sakanya na tinawanan niya lang.

"Nagawa ko na, Ellis." Bulong niya na kinatawa ko.

"Bakit buhay pa ako? Mag-isip ka nang maayos. Kung papadalhan mo lang ako ng mga patpating tauhan ng Forbes, you can't kill me. Magpadala ka ng professional assasins. Yung mga ka-level ko. Mas better kung ipadala mo si Richard. Gusto ko din siyang makausap eh!"  Nakangiting turan ko sakanya.

𝐌𝐚𝐟𝐢𝐚 𝐋𝐨𝐫𝐝'𝐬 𝐁𝐚𝐛𝐲 (𝐎𝐛𝐬𝐞𝐬𝐢𝐨𝐧 𝐀𝐦𝐨𝐫𝐨𝐬𝐚 #𝟔)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon