Chapter 39

12.6K 544 55
                                    

Chapter 39

Ellis Madrigal

    Nagising na lang ako sa hindi malamang dahilan. Napahinga na lang ako nang malalim at hinigpitan ang yakap kay Elliot. Sanay naman na ako magising sa ganitong oras, alas-singko ng umaga. Nanatili pa akong nakapikit nang ilang minuto bago dahan-dahan nagmulat.

Sobrang dilim pa nga pero medyo maliwanag naman kaya naaaninag ko yung nasa loob. Nakayakap si Elliot saakin habang nasa ilalim kami ng makapal na kumot kasi ramdam na ramdam ko yung lamig.

Dahan-dahan akong tumingin sa likod ko kung saan si Rigon at nakitang nakatalikod siya saakin at nakabaluktot. Siraulo talaga. Sinong nagsabi na hindi siya pwedeng magkumot? Napakamot na lang ako ng noo dahil sa kabugukan ng lalaking 'to.

Dahan-dahan kong inalis yung yakap saakin ni Elliot bago ko pinagpalit yung pwesto namin dalawa at mabilis na tumayo. Agad kong ipinatong yung kumot sa dalawa at agad na pinatay yung air conditioner.

Naglakad ako papunta sa pintuan ng veranda at mabilis na hawiin yung kurtina. Nagningning yung nga mata ko nang makita yung ganda dito. Ang liwanag sa labas dahil naka-sentro yung buwan. Dahan-dahan kong binuksan yung pintuan at napayakap na lang ako sa sarili ko dahil sa lamig.

Iniapak ko ang paa ko palabas at napaiktad na lang sa lamig ng sahig bago magsimulang maglakad. Napakaganda talaga. Kitang-kita mo lahat dahil sa maliwanag na buwan na malapit nang lumubog.

Nakangiti kong pinagmasdan yung buwan at yung mga bituin sa paligid niya. Ang ganda-ganda niya. Sobrang liwanag. Sa t'wing nakikita ko ang buwan, nakikita ko ang anak ko.

Ano pa bang gusto kong marating? Naging model ako dahil kay Skyler. Naging professional chef dahil na din kagustuhan ko. May pera naman ako at kung tutuosin, kahit hindi na ako magtrabaho ay pwede. Ano pa ba ang gusto kong patunayan?

Hindi ako naghahangad makaganti. Hindi ako naghahangad ng masama dahil sa ginawa ni Rigon saakin. Pinalampas ko na lahat. Pero parang hindi ako matahimik dahil sa nangyayari kay Rigon ngayon. Parang kailangan ko siyang tulungan pero nagdadalawang isip ako.

At isa pa, hindi ako papayag na mapunta lahat sa bastardong anak ni Sabrina ang dapat sa anak ko. Ano ba kasing ginagawa ni Rigon? Napakatanga naman niya! Nakakainis! Pinaghirapan niya tapos basta-basta na lang kinuha.

Napahinga na lang ako nang malalim dahil naalala ko yung dahilan ni Rigon kung bakit niya nagawa saakin yung mga bagay na yon.

"Kung gusto mong makabawi saakin, tell me kung bakit mo nagawa saakin ang lahat. Gusto ko malaman ang dahilan mo." Mahinang turan ko sakanya. Napatitig naman siya ng ilang segundo saakin bago huminga nang malalim.

"Lunod ako sa galit ng mga panahon na yon. Nilunod nila ako sa galit. Sa sobrang galit ko, hindi ko na naisip kung anong magiging kahihinatnan ng mga gagawin ko." Mahina niyang turan at nanatili lang akong nakatingin sakanya habang siya ay nakatitig sa labas.

"My m-mom raped by multiple men many times hanggang mamatay siya." Bulong niya na kinapikit ko na lang. Ramdam na ramdam ko yung hinanakit niya sa bawat salitang binibitawan niya.

"S-sobrang sakit para saakin na makita yung mom ko habang ginagawa nila yon. I'm only seven at that time. Hindi nila tinigilan yung mom ko hanggang sa mamatay na lang siya. Hanggang ngayon naririnig ko pa rin yung iyak niya at paghingi ng tulong." Sunod na turan niya kasabay nang pagtulo ng mga luha niya na mabilis niyang pinunasan.

"Yung mga lalaking yon ay galing sa Forbes na under pa ng mom at dad mo noon." Dugtong niya na nagpaliwanag sa lahat. So this is just a pure revenge?

𝐌𝐚𝐟𝐢𝐚 𝐋𝐨𝐫𝐝'𝐬 𝐁𝐚𝐛𝐲 (𝐎𝐛𝐬𝐞𝐬𝐢𝐨𝐧 𝐀𝐦𝐨𝐫𝐨𝐬𝐚 #𝟔)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon