Chapter 46

11.9K 507 22
                                    

Chapter 46

Ellis Madrigal

    Nginitian ko lang yung jananese staff pagkatapos akong pagbuksan ng pintuan dito sa private room. Mabilis akong pumasok dala yung isang suit case at lalo akong napangiti nang makita yung taong pakay ko.

    Inilapag ko yung suit case sa tabi ng table bago umupo sa harap niya. Tinitigan naman niya ako. Napahinga na lang ako nang malalim bago alisin ang shades ko.

    "Good evening, Mr. Gomez."








    "Princess, ito lahat yung share holders ng company. Richard has 35%, I have 30%, Mr. Gomez has 20% and the 15% for the rest of share holders. Kaming tatlo ang major share holders. Hindi ko pa rin sinusuko yung shares ko."








    "What do you want?" Tanong agad sa akin ni Mr. Gomez na kinatawa ko.

    "I wonder Mr. Gomez, bakit mo binebenta ang shares mo? At bakit hindi alam ni Richard?" Turan ko na  kinagulat niya.

    Binagsak niya yung kamay niya sa table pero hindi man lang ako nagulat o natakot. Tinignan ko lang siya habang nakangisi.

    "I know you too well, Mr. Gomez. Be careful." Natatawang bulong ko pa bago ilabas sa bag ko yung mga pictures na dala ko at ihagis sa harap niya.

    "May kabit ka pa lang celebrity. Ano kayang mangyayari kung malaman ng mundo na ang isang Mr. Gomez ay may kabit na celebrity?" Turan ko sabay kuha sa juice at sumipsip.

    "Who are you?!" Inis niyang turan sa akin.

    Dahan-dahan ko naman ibinaba yung juice bago ipagkrus ang kamay ko sa dibdib ko.

    "I'm Ellis Madrigal, nice meeting you Mr. Gomez." Nakangising turan ko.








    "Masyadong loyal si Mr. Gomez kay Richard, Princess. Hindi natin mapapataob 'to." Turan sa akin ni Rigon habang nakatitig kami sa backround ng buong pagkatao ni Gomez.

    "No. Something is very suspicious. How come na malinis ang record ng ugok na 'to? Hindi ako naniniwala." Agad kong bulong.

    "Sinabi sa akin ni Richard noon na, pinatay ni Mr. Gomez yung first wife niya kasi nahuli siyang nambababae. Tinulungan niyang pagtakpan yung kasalanan ni Mr. Gomez kaya ganon na lang siya ka-loyal. At mas mahal na mahal ni Mr. Gomez ang mga kabit niya." Turan sa akin ni Rigon na kinangisi ko.

    "Kadikit din ni Richard si Mr. Gomez sa illegal business niya." 

    "Got it, handsome." Bulong ko kay Rigon bago halikan yung labi niya.






    Nakatitig lang sa akin si Mr. Gomez at halatang galit na galit. Well, wala akong pakialam. Hindi siya dapat katakutan. He's too small—— I mean he's too weak.

    "Ellis Madrigal huh? Mas mabuting tumigil ka na kung ayaw mong paglabas mo dito sa Japanese restaurant, bangkay ka na." Turan niya sa akin na kinatawa ko.

    "Nakakatawa ka naman Mr. Gomez. Igagaya mo pa ako sa first wife mo! H'wag ka nga magbiro ng ganyan!" Turan ko habang tumatawa.

    Hindi ko maitago yung ngisi ko kung paano siya mamutla at nabitawan yung mga pictures na binigay ko.

    "H-hayop ka…" Mahinang bulong niya sa akin.

    "Ano ka ba Mr. Gomez! Binibiro lang kita! Masyado kang seryoso!" Natatawang turan ko sa kanya.

𝐌𝐚𝐟𝐢𝐚 𝐋𝐨𝐫𝐝'𝐬 𝐁𝐚𝐛𝐲 (𝐎𝐛𝐬𝐞𝐬𝐢𝐨𝐧 𝐀𝐦𝐨𝐫𝐨𝐬𝐚 #𝟔)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon