29 - Breaking The Rules

771 33 19
                                    


Chapter 29 : Breaking The Rules


Vriazer Leriz's Point of View


"Let's wait for the full moon."


May kung ano akong naramdaman nang sabihin iyon ni Amara. She have the point, but still, we can't do anything for now but to obey what Mr. Ballum said. Hindi pwedeng basta-basta na lang kaming magdesisyon dahil walang kasiguraduhan ang lahat.


Pero tama ang sinabi niya, nang pasimple kong gamitin ang sariling mahika kanina. Hindi ko maramdaman ang kanyang presensya at lalo lang iyon nagpaalala sa akin. There's so much possibilities that might happen. Specially that she can't control her magic that well.


Sobra na akong nanghihina, sa loob ng tatlong araw na nawawala siya, wala rin akong tulog. I didn't do anything but to over think myself. And now, I'm trying to abuse my body for not resting.


"Are y-you ok?" malamya akong napalingon kay Lucht, kanina ko pa sila hindi kinikibo at siguro naman alam na nila ang dahilan kung bakit.


I shortly nodded before taking off my gazes from him. "Here, nanunuyo na ang labi mo dahil sa pagod."


Inilapag niya sa harapan ko ang isang bottled water, hindi na ako nag-inarte pa at agad itong nilagok. Wala kasi akong dinala na kahit anong gamit, ang pokus ko lang talaga ngayon ay ang mahanap si Alea.


"Thanks..." pabulong kong sabi, narinig ko siyang bumuntong hininga.


We decided to rest, naghanap-hanap kami ng mga bakanteng hotel o kung ano mang pwede naming tuluyan ngayong gabi. Sa huli ay nakakita kami ng isang hindi kalakihang inn.


Habang inaayos ko ang hihigaang kama ay napadako ang aking tingin kay Olivia. Matamlay din siya, siguro tulad ko ay pagod din. Dalawang kwarto mayroon ang inn kaya kaming tatlong babae ang magkakasama. Ang apat na boys naman ang sa kabila.


"Vria."


Tumingin ako kay Amara nang tawagin niya ang pangalan ko. "Sa tingin mo nandito pa sa Laveria si Alea?"


Napaisip ako. "Hindi k-ko alam."


"I know you're mad at us. Pero kaya nga namin ginagawa ito para makabawi at maitama ang mga mali namin. We all know that Alea is your friend, we all are. We're sorry and still sorry for what happened, pero sana kalimutan mo muna ang sama ng loob mo for Alea's sake."


I was about to open my mouth when she talked again. "I know we're not that close. Alam kong may kaartehan ako, may pagka-maldita pero kaya ko rin namang magpakumbaba. May pangarap din ako kaya pinilit kong makasali sa grupong 'to, but I'm not doing this for my dream this time, Vria. I'm doing this for Alea because she's sort of my friend. And I know that I've been harsh to her, even to you. Naiinis ako sa inyong magkaibigan, pero tulad ko, sana isantabi muna natin ang pride ng lahat. We all have our own issues here."


Hindi ako nagsalita nang marinig ang mga sinabi niya. Nakatalikod na siya sa amin at nakahiga, nakakulong sa isang kumot ang kalahati ng kanyang katawan. Si Olivia naman ay mariing nakikinig din.


"Same as you, Olivia." the girl at my side got halted when she heard her name. "Goodnight, we should rest."


Pasimple akong ngumiti nang makahiga. Amara is right. Masyado akong nagpapadala sa pride ko at hindi inisip na pare-parehas lang din kaming lahat na nahihirapan. Lahat kami may kasalanan at ang dapat lang naming gawin ngayon ay ang magtulungan.


I closed my eyes and heaved a sigh. Kung nasaan ka man ngayon, Alea. Please wait for us.


***


Dawn Academy - School of MysteryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon