Wakas

945 22 9
                                    


Dawn Academy - School of Mystery




Tila isang mahabang bangungot ang nangyari, maraming nasagot na misteryo ngunit marami pa ring katanungan ang patuloy na bumabagabag.



Isang nakasimangot na babae ang pumasok sa isang kwarto, dala-dala ang isang brown paper bag. Laman nito ang niluto niyang almusal kasama ng ilang prutas. Natutulog namang lalaki ang sumalubong sa pagbukas niya ng pinto, nangiti siya nang mailapag ang bitbit. Pagkatapos buksan ang bintana ay umupo siya sa harapan ng mahimbing na lalaki.



"Kumusta ka? Hindi ka pa ba magigising?" nakapangalumbaba niyang tanong, wala siyang sagot na natanggap. "Humahaba na ang buhok mo oh, gusto mo gupitan kita?"




Maya-maya pa nga'y napaasik siya at napakamot sa ulo. "Bakit ko nga ba kinakausap ang taong tulog? Aish, ewan baliw na rin yata ako."




Ibinalik niya ang tingin saka nag-isip, tinitigan niya lamang ang mukha nito saka nagsambit muli kahit na alam niyang hindi siya nito naririnig.




"Halos dalawang buwan ka nang nakahiga lang at natutulog, ayaw mo bang imulat 'yang mga mata mo?" inayos niya ang buhok ng lalaki, "Pabida ka kasi masyado, tss ewan sa'yo."




"Alam mo bang utang mo sa'kin ang buhay mo? Kaya inuutusan kitang gumising!" tila isang baliw siyang kumakausap sa isang pader.




"Hindi ko rin alam kung paano pa tayo nabuhay pero alam kong dahil yun sa black magic, kay Sanctus. Akala ko nga, mabibigo na naman ako eh. Akala ko may mawawala na naman sa akin. But I'm so glad that we all survive that bullsh*t magus cup."




Nawala ang ngiti niya pagkatapos, "But Mr. Ballum did escaped too. I just assumed that it's a failed-victory achievement? Hindi ko na alam."




"Tingnan mo kung paano siya mamamatay, Alea." saad ni Mr. Ballum saka humalakhak, itinapat nito ang kamay kay Kazer pagkatapos.




Nakita ko ang mahikang inatake niya kay asul bago pa man marinig ang malakas na pagsabog sa likod. Masisira na ang dome.




"Nabigo na naman ako."




I was about to close my eyes when the familiar force lifting up my energy. Nakita ko kung paano ako binalot ng itim na usok, agad kong sinuntok ang pader at wala pa sa alas kwatro itong nabasag. Mabilis kong inalis si asul sa kaniyang pwesto bago pa man tumama sa kaniya ang atake ng traydor.




"Hindi ka pa ba nagsasawa, Alea? Sa bawat subok mo, lagi ka lamang nabibigo."




Ngumisi ako. "Hindi ka rin ba nagsasawa, Ballum? Na sa bawat kapangyarihan mo, lagi ka lamang nanggagaya."




Mas lalo lang akong natuwa nang makitang mainis siya sa ibinalik kong tugon. Ilang sandali lang ay nagpalitan na nga kami ng mga atake, mabilis na pag-iwas at sunod sunod na pagtapon ng mahika. Pantay ang laban at parehas lamang ang abilidad ng bawat isa.




Dawn Academy - School of MysteryKde žijí příběhy. Začni objevovat