36 - Special Opening

649 25 68
                                    


Chapter 36 : Special Opening


Halos tatlong oras bago namin narating ang malawak na lawa. Napaka-kalmado nito at swabeng kumikinang ang tubig dahil sa liwanag ng araw.


Maaninag sa kalayuan ang napakalaking isla. Napamaang ako sa nasaksihan, ang sinasabi nilang palasyo ay siya palang nasa kalagitnaan ng Laveria, sa mismong gitna ng napakalaking lawa na ito.


Isang magara at malaking bangka ang naatasang magsundo sa amin, ngunit hindi ko masabi kung bangka pa ito dahil mukhang barko na. Gawa ito sa kahoy at napapaligiran ng ilang luntiang damo na namumulaklak.


"First time mo rito, Alea?" tanong ni Eula saka tumabi sa akin. Kasalukuyang gumagalaw ang sinasakyan namin sa tubig.


Tumango lang ako imbis na magsalita, masyadong nakakahilo ang kagandahan ng lugar para makipag-usap ngayon. Sa linaw ng tubig ay nakikita ko ang mga iba't-ibang uri ng isda na namumuhay rito. May ilan pang ibang hayop na hindi pamilyar sa akin.


"Alam mo ba, dito kami madalas mamasyal ni Mama dati." napatingin ako kanya nang marinig ang lungkot sa tono nito. "Magkaibigan sila ni Tito Apollyon, yung Dad mo. Her name was Emelda, Emelda Stanford."


"Nasaan siya ngayon?" tanong ko saka idinantay ang mga braso sa railings na gawa rin sa kahoy.


Umiling siya saka nag-iwas ng tingin. "Wala n-na..."


Natigilan man ay hindi ko inalis ang tingin sa tubig. "Paano siya n-namatay?" alinlangan kong pag-usisa, hindi ko ugaling magtanong pero may nararamdaman ako na kung ano sa loob.


"She died for protecting Tito Apollyon and Prima Stella. That night when everything was gone useless..."


Isang malakas na pwersa ang pinakawalan ng nasabing Proteus para makawala sa mahika ni Emelda. Nakampante ang babae dahil malayo na rin ang natakbo ng mag-ama. Anumang grabe ang paglalaban na mangyayari sa pagitan nila, mahalagang hindi ito makaapekto sa bata.


"Hindi ako kalaban, Emelda. Ayaw niyo bang mapunta sa amin ang kapangyarihan na iyon? That's a win-win situation for all of us, you know? Mas malakas ako kumpara sa batang iyon na walang ibang alam kundi ang maglaro." kalmado ngunit seryosong anito.


Hindi siya pinansin ng taong kaharap, abala ito sa pagbuo ng malakas na pwersa upang i-atake sa kalaban.


"Magkakaibigan tayo rito, hindi ba? At alam mong ayaw na ayaw kong binabalewala ako." matigas nitong sabi saka nagsilabasang muli ang itim na usok sa katawan. Prente niyang sinuyod ang kanyang mahaba at puting buhok, kasabay niyon ay ang pagbasa niya sa labi.


Ngumisi si Emelda saka diretso itong tiningnan. "Alam ko yun, pero alam mo namang ayaw na ayaw ko rin sa mga traydor."


Agad na nag-init ang ulo ng lalaki saka ito walang habas na nagpakawala ng mga enerhiyang gawa sa kanyang mahika. Mabilis nakakailag si Emelda dahil na rin sa kanyang abilidad, ang element ng Shadow of Wind. Kaya niyang sumabay at gumalaw na parang hangin.


Nagpatuloy ang laban nila ngunit natigil ito nang may marinig silang isang kakaibang tunog. Ramdam nila ang napakalakas na enerhiyang ito dahil nasa malapit lamang.


Ilang sandali pa ay humagalpak ng tawa ang lalaki. "See? That was the sign that we won this war. It's over, Emelda. Patay na ang bata at wala na kayong magagawa."


Hingal man at pagod sa natigil na laban ay galit na galit niyang inatake si Proteus. Hindi ito inaasahan ng lalaki kaya swabeng tumama ang mga atake niya. Nanghihinang napaupo ang duguang katawan nito, halos hindi na siya makagalaw dahil sa grabeng nawala na enerhiya sa kanya.


Dawn Academy - School of MysteryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon