47 - Final Wave

485 13 5
                                    


Chapter 47 : Final Wave



Vriazer Leriz's Point of View



Isang kaisipan naman ang dumagdag sa akin nang marinig ang sinabi ni Alea, I mean ni Sanctus na siyang nasa katawan ng kaibigan ko.



Paano naging kaibigan ni Proteus ang isang halimaw?



Dahil sa mahina nang katawan ni Proteus, halos hindi na siya makagalaw pa sa mga atake ni Alea. Hindi na ako magtataka pa kung ilang segundo na lang ang itatagal ng buhay ng nasabing matanda.



Nasulyapan ko naman ang iba pang mga Lerions, pagkuwa'y inayos ang kanilang mga sarili dahil sa biglaang atake na nangyari. Hindi pa man bumabalik sa wisyo ay nakatanggap muli sila ng panibagong laban.



Amara didn't waste time to take their advantage and did what they're supposed to do. Make Lerions out of this dome and stay alive.



Hindi na nangyari pa ang lahat ng dapat mangyari sa Magus Cup nang guluhin ito ng mga kalaban. Pero nangangamba pa rin akong makaligtas ang lahat kahit na malaki ang tyansang manalo kami.



"You really still need a lot of trainings, Proteus. Wala kang pinagbago, kinukuha mo ang kapangyarihang hindi naman sa'yo." nabaling muli ang atensiyon ko kay Alea nang marinig siyang magsalita.



"For what? To call yourself strong?" humalakhak ito, "You're not even leveled to call as weak."



Ngumisi ang hirap na hirap at duguang matanda, talagang nagpapakain pa rin sa kayabangan kahit nasa bingit na siya ng kaniyang kamatayan. Tss.



Buo na sana ang desisyon kong tumayo nang pagkuwa'y may nagtakip ng aking bibig at muli akong itinago sa likod ng puno. I was about to resist when I saw Kazer's face on my peripheral vision. Kalaunan naman ay pinakawalan niya ako, halatang galing siya sa matagal na pagtakbo. Tagaktak sa pawis ang kaniyang mukha at may ilang bahid pa ng dugo sa kaniyang kasuotan.



"S-Saan ka ba nanggaling? Hindi ka namin mahagilap kahit saan," saad ko rito dahil hindi pa rin siya makapagsalita.



Huminga siya ng malalim, "I h-have a plan..."



My forehead creased when I heard what he said, he didn't say a word again and continued to breath deeply so he'd survive. Hindi ko rin alam kung dapat ba akong pumayag sa planong sinasabi niya. Pero wala naman akong choice hindi ba? Halos lahat naman ng plano hindi natutuloy hays, napansin ko yun.



Ilang sandali pa, nabawi na niya ang paghinga saka nagsalita. Nakinig naman ako ng mabuti, ayokong pumalpak.



"Aalis kayong lahat dito at pupunta sa kabilang dome, ilang minuto na lang ang natitira." may kinuha siya sa bulsa— isang kwintas? Inabot niya ito sa'kin saka nangiti.



"Ano namang gagawin ko rito?" takhang-takha kong tanong, pamilyar ang itsura ng kwintas pero hindi ko matandaan kung saan ko ito nakita.



"Ibigay mo kay Alea mamaya, nakita ko yan kanina malapit sa ilog. Mukhang nahulog niya."



Natawa ako sa sinabi niya. "Eh bakit hindi na lang ikaw ang magbigay mamaya? Tutal—"



"Iyon nga ang sinasabi ko sa'yo kanina pa, Vria. Nakikinig ka ba talaga sa plano ko?" may halong inis niyang saad, siya nga si Kazer, napaka-iksi ng pisi kahit kailan.



Inalala ko ang mga dinaldal niya sa akin kanina saka natigilan nang may makuhang ideya. Gulat akong napatingin sa kaniya habang nangingilid ang luha sa mga mata. "Baliw ka ba!?"



Dawn Academy - School of MysteryWhere stories live. Discover now