33 - Confession

850 36 43
                                    


Chapter 33 : Confession




I wiped my tears off before I stood up. Nalilito na ako, hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong intindihin.



Malamya akong naglakad papunta sa balkonahe ng aking kwarto. Naipikit ko ang mga mata nang maramdaman ang pagdampi ng malamig na hangin sa aking balat. It feels nostalgic...



"Honey, when you saw some kids with their siblings. What do you feel?"



"I feel something is missing, mommy. I feel someone is missing in me. Everyday I wake up, I'm always crying and looking for someone I do not even know if existing. Mommy, why is that? Is it normal?"



I heaved a sigh before I walk back inside the room. It's too cold to manage, I didn't even wore a jacket.



Naupo ako sa kama saka tumulala sa kawalan, iniisip ko pa lang kung ano pa ang mga misteryong lalabas at malalaman ko. Parang hindi ko na kakayanin pa, mas gugustuhin ko na lang manatiling naghahanap ng sagot kaysa ilatag nila mismo ito sa aking harapan. Mas mabuti pang wala na lang akong nalaman.



Si mom, ang ate ko, ang academy, si dad at ang black magic. Pakiramdam ko ngayon ay nag-iisa na naman ako. Wala na naman akong maintindihan sa mga nangyayari.



Dalawang magkasunod na katok ang nagpabalik sa akin ng ulirat. Hindi ako nagsalita, ilang segundo lang ay narinig kong bumukas ang pinto. Naupo si Tita Fauna sa aking tabi, hindi man ako tumingin sa kanya, alam ko na ang sadya niya.



"Are you ok?" I mocked a smirk when I heard her question.



"What do you think?" balik ko sa kanya, nakatingin pa rin sa kung saan. Hindi siya sumagot, nanatili kaming ganoon sa ilang minuto. Tanging ingay lamang ng tahimik na gabi ang pumagitan sa amin.



Tita Fauna is really something. Halos magkatulad lang sila ni Dad pero sa aura niya ay hindi mo siya agad-agad mababasa.



"You're lost again, aren't you?" she suddenly uttered, I was about to speak when she did talked again. "I know what you feel, Alea. I've been there too."



"Mystery is always in great disguise. Kailangan mong iwasan para hindi ka mapahamak, kailangang 'wag ka na lang makialam kung ayaw mong ikaw mismo ang mahirapan. Sa lahat ng katotohanan na nalalaman, apat lang ang madalas nating maramdaman."



"Una, ang saya. Pangalawa ang lungkot, kasunod nito ang galit o poot. At huli, ang kaguluhan at pagkalito." mariin lang akong nakikinig at hindi na nagsalita pa, gusto ko siyang pakinggan. Pakiramdam ko ay iyon ang kailangan ko ngayon, kailangan ko ng kausap.



"Iyong huli ang nararamdaman mo, hindi ba?" natigilan ako sa kanyang binatong tanong, "Sa mga nalaman mo, alam kong hindi ka nagalit o nalungkot man. Nalilito ka, tama ba?"



I gulped the lump in my throat as I turn my gazes at her. She smiled at me when our eyes met.



"Naguguluhan ka lang kaya hindi mo alam kung ano ang dapat mong maramdaman. Nalilito ka lang kaya hindi mo alam kung paano intindihin ang mga kasagutan sa ngayon."



"Pero alam mo ba, mas magandang malaman natin ang katotohanan kaysa mabuhay at manatili tayo sa linya ng kasinungalingan. Mas magandang masaktan tayo para tumibay. Sa buhay kasi, kung puro saya lang at walang lungkot, hindi balanse. Wala tayong matututunan at malalaman na bago. Doon at doon na lang ulit."



"Kung ayaw mong masugatan, paano ka lalaban? Kung ayaw mong matalo, paano mo maaabot ang dulo? Kung ayaw mong maligaw, bakit ka lumiko? Kung gusto mong masagot, bakit hindi ka magtanong? Kung gusto mong may matagpuan, bakit hindi ka maghanap? Kung gusto mong matapos, bakit ayaw mong simulan?" pinigilan ko ang sariling maluha dahil sa mga sinabi niya.



Dawn Academy - School of MysteryWhere stories live. Discover now