25 - I Quit

804 43 20
                                    


Chapter 25 : I Quit



Olivia Camme's Point of View



I let out a relieved sigh as Antheia did manipulate the magic barriers. Kumawala ang makapal at maitim na usok nang magawa na niya itong buksan ng tuluyan.



Nanghihinang lumabas sa battle court sina Lauro at Kazer habang umuubo pa. Puno ng galos ang kanilang mukha at sira-sira na rin ang mga damit na suot. Agad silang inalalayan nila Lucht at pinaupo.



"Si Alea?" baling ko sa kanilang dalawa nang mapansin kong wala siya.



I didn't receive any response dahil hingal pa rin silang naghahabol ng hininga. Naglakad ako papunta sa battle court kasama si Antheia. Nababalutan pa rin ng makapal na usok ang paligid kaya napatakip ako sa sariling ilong. Inilahad ko ang isang palad para magkaroon ng liwanag sa paligid.



"Dito," narinig kong utas ni Antheia 'di kalayuan sa aking pwesto. I quickly walked towards her direction and loudly gasped when I saw Alea who's lying next to her.



Punong-puno ng galos at sugat ang kanyang katawan, sunog ang ilang parte ng kanyang damit at parang hindi na siya...humihinga.



Biglang sumulpot si Mr. Ballum sa kung saan bago niya binuhat ang walang malay na katawan ni Alea. I bit my lower lip to suppress my tears while looking at her.



"Oh gosh!" bulalas ni Miss Lish nang makita niya ang kalagayan ni Alea. Agad niya itong inasikaso habang nangingilid ang luha sa mga mata.



"Wala siyang pulso..." halos pabulong na sabi ni Miss Lish kaya taranta akong lumapit sa kanilang pwesto. "She's not even b-breathing..." she tried to suppress her tears but started to cry silently after few seconds.



"P-Patay na ba siya?" naiiyak na ring tanong ko sa kanila.



"She's still alive." napaangat ang ulo ko sa tinuran ni Antheia, "The Black Magic owner is still alive. Maaaring nabigla lamang siya sa mga pumasok na enerhiya sa kanyang katawan."



Wait—did she just mentioned that Alea is the black magic owner?



"You heard it right. Siya ang itinakdang magligtas sa buong Laveria, sa ating lahat."



Napamaang ako. "P-Pero namatay ang bata noon—"



"Iyon ang kailangan nating malaman ngayon. Kung bakit at papaanong nandirito siya sa harapan natin, buhay na buhay." putol niya sa akin at naglakad papunta sa pintuan. Handa na siyang pihitin ang door knob nang tumigil siya. Nanatili lamang nakatayo at hindi humaharap sa aming pwesto.



"Tandaan ninyo, siya ang magliligtas sa ating lahat pero kailangan niya ring ingatan." napayuko ako sa kanyang sinabi at pinunasan ang nagbabadya na namang mga luha, "Maaaring malakas ang kapangyarihan niya...pero kahit ganoon, marunong pa rin siyang mapagod."



Tuluyan niya kaming tinalikuran matapos sabihin ang mga katagang iyon. Malungkot akong napatingin sa kinaroroonan ni Alea, para lang siyang natutulog. I smiled as something flashback at my memory.



"Let's play, Oli!" nakangiting ani ng isang batang babae habang naglalakad papalapit sa akin.



"You're here! Buti at pinayagan ka, halika maglaro na tayo." hinawakan ko ang isa niyang kamay bago kami tumakbo papunta sa aming tree house.



"Wala pa ba sina Kazer?" tanong ko sa kanya habang pinaglalaruan ang isang bola na binuo ko sa aking palad.



She shrugged her shoulders as her forehead creased, "We should avoid that jerk, he's such an asshole."



Dawn Academy - School of MysteryWhere stories live. Discover now