7 - Dawn Academy

1.3K 67 17
                                    


Chapter 7 : Dawn Academy


I woke up with a start. Naaaninag ko ang nakakasilaw na liwanag, nang mag-adjust ang mata ko pulos puti ang nakikita ko.


I try to move my hand pero napapangiwi lang ako dahil kumikirot iyon. Hindi ko rin maramdaman ang tibok ng puso ko. Patay na ba ako?


Nakahiga ako sa isang hospital bed, may mga benda sa ilang parte ng katawan. Pilit kong inalala kung ano ang nangyari nang bumukas ang pinto.


"Oh my gosh! You're finally awake!" gulat na bulalas ni Vria at tumakbo papunta sa pwesto ko. "Akala ko hindi ka na magigising, Alea. That asshole, tsk!"


May inilagay siyang supot sa bedside table at naglabas ng mga prutas mula doon. Hindi ko pa rin maalala kung ano talaga ang nangyari, kung bakit ako nandito at may benda pa.


"Ano bang nangyari?" tanong ko at sinubukan muling gumalaw pero impit akong napa-ungol nang maramdaman ang sakit sa aking likod.


Napatigil siya sa pagbabalat at bumaling sa akin. "Don't move muna. Maraming nagamit na gamot sa katawan mo dahil napwersa ka masyado." tinulungan niya akong isandal ng maayos ang sarili.


"Three days ka ng walang malay. Lagi kitang pinupuntahan dito para tignan kung maayos ka na. Maging sina Ms. Lish ay binibisita ka." hinila niya ang isang upuan doon at naupo sa may tapat ko.


"Siguro hindi mo pa maalala ang mga nangyari dahil sa gamot pero don't worry. Sooner or later ay magiging ayos na lahat." tinapat niya ang isang hiwa ng mansanas sa bunganga ko.


I don't have a choice but to eat it, gutom na ako at hindi pa makagalaw. I doubt na magtatagal ako rito, unang araw pa lang ay napasama na.


I stared at Vria.


I hope I can trust you, kahit ikaw lang...


***


Dalawang araw ang nakalipas bago ako na-discharge. Maayos na at gaya ng sinabi ni Vria, bumalik na ang alaala ko.


Tinitigan ko ang sarili sa salamin habang sinusuklay ang medyo basa pang buhok. I'm wearing a white long sleeve shirt with a necktie on it. Sa necktie ay naka-embossed ang logo ng paaralan. And skirt na below the knee ang haba, kulay itim ito.


"Woahh! Bagay sa'yo ang uniform!" nakangiting utas ni Vria, kalalabas lang sa banyo.


Hindi ako sumagot, imbis ay inayos ko ang gagamiting bag. Late na ako ng isang buwan sa pagpasok kaya marami akong hahabuling lessons.


Habang nag-aalmusal sa mini-kitchen namin ay naisipan kong magtanong. Hindi na kami lumabas pa, maaga pa naman at hindi kami male-late.


"About saan ba ang mga lessons dito?" sumubo ako sa niluto niyang breakfast.


Humalakhak siya bago inabot ang baso at uminom. "Katulad din ng lessons niyo. Math, Science, English and others. About the culture here and out there. But mostly, we do trainings and activities."


I paused. "Trainings?"


"Yeah. Knowing the skills of yours, completing the challenges and missions and of course, practicing your ability to master it."


Gusto kong magwala dahil sa narinig. Even here? Trainings and missions? Seriously?


Madali kaming natapos sa almusal kaya mas maaga pa kaming nakarating sa classroom kesa sa inaasahan. Wala pang mga estudyante roon, marahil ay nagsisigayak pa lang sila o nasa cafeteria.


Dawn Academy - School of MysteryWhere stories live. Discover now