37 - First Round. Epic Start.

561 25 39
                                    


Chapter 37 : First Round. Epic Start.


Limang minuto.


Iyon na lang ang natitira naming oras bago magsimula. Huling oras na magkakasama kami bago magsimula ang laban.


Kanina ay ipinaliwanag sa amin ang mga regulations at ngayon ay naghihintay na lang kaming sunduin para ipasok sa dome. Nagkaroon na rin ng pag-uusap sa pagitan ng bawat pamilya namin, maliban kina Lauro at Kazer, walang dumating sa magulang nila.


First Round - The Everlasting Life Points

Agad na magsisimula ang madugong labanan, ang kailangan lang gawin ay mahanap ang mga puntos na pwedeng gamitin sa buong laban. Agawan at unahan para makita ang maliliit na kulay pulang prutas. Katumbas niyon ang 10 puntos, isa sa magiging basehan ng pagka-panalo ng grupo sa loob ng dome. Tatagal ang unang round ng dalawang araw, may mahanap ka man o wala, kusang maglalaho ang mga ito sa kanilang pinagtaguan.

Sa bawat isang kalahok, mayroon na silang 30 puntos. Maaaring puruhan ang kalaban, maaari rin itong patayin ngunit nasa manlalaro ang desisyon.


Second Round - Stay Alive, Stay Safe

Dito magsisimula ang tagisan ng bawat kalahok, kailangan mong manatiling buhay hangga't hindi tumutunog ang warning horn. Tumatagal ito ng halos isang linggo, depende kung ilang manlalaro na lamang ang matitira.

Sa bawat matalo o mapatay na kalaban, mapupunta ang naipon nitong puntos sa kalahok na gumawa ng trabaho. Ang mga puntos ay maaari ring gamitin para ipamalit ng ilang kagamitan o esensyal na ka-kailanganin sa laban.


Third Round - Timeout

Bibigyan ng isang araw na pahinga ang bawat manlalaro. Walang mangyayaring agawan ng puntos, labanan o kahit anong aktibidad. Kailangang bawiin ang lakas para sa susunod na round.

Sino mang kalahok ang gumawa ng hindi magandang plano o lalabag sa sinabing batas, agad siyang ilalabas sa dome ngunit haharap sa isang hindi malamang parusa.


Fourth Round - The Final Wave

Magkakaroon ng panibagong dome para sa labanan, kailangan lamang sundan ang direksyon na makikita ninyo sa bawat paligid. Ang lugar (dome) na una ninyong tinapakan ay masisira dalawang oras pagkatapos ng timeout.

Sa lahat ng mga kalahok na magagawang makapunta sa second dome at unang mabubuo ang grupo ay siyang mananalo, kasama ang naipon nilang puntos. Sakali mang mabawasan ng miyembro ang bawat grupo, ang maitatanghal na kampeon ay ang team na may pinaka-maraming naipong puntos.


Sinalubong ko ang tingin ng papalapit na si Lauro. Wala akong makitang emosyon sa kanyang mukha, pero sa mata niya, alam kong may kalungkutan.


I was about to say something about his parents when he suddenly hug me. I don't know what to do, I'm just here, stuck and can't even move my lips to speak.


Handa na akong kumawala sa yakap niya nang magsalita siya. "Please, let's stay like this for a while. Just some seconds to hug you, I badly need it." nagsi-tindigan ang mga balahibo sa aking batok sa sobrang lamig ng boses niya.


Biglang kumalma ang sistema ko dahil nararamdaman ko ngayon ang kanyang paghinga. Mabuti na lang at abala ang iba sa kani-kanilang ginagawa. Hindi nila kami masyadong napapansin dito sa isang tabi.


I felt sad for him too. Alam kong kailangan niya pa rin ng suporta galing sa pamilya niya, pero eto at wala man lang kahit si Head Master Cracken. Gaya ng sinabi niya, hinayaan ko siyang yakapin ako at hindi na nagsalita pa.


Dawn Academy - School of MysteryWhere stories live. Discover now