19 - I'm sinking

927 48 22
                                    


Chapter 19 : I'm Sinking


Kinabukasan, maagang nagsimula ang lahat sa opisyal na pagbubukas ng program. Nagising na lang nga ako ng madaling araw dahil sa ingay ni Vria. She's too damn excited, tss.


Andami niyang sinabi at kinwento sa akin tungkol sa mga gagawin na activities ngayong araw. Like treasure hunt, forest escape, battle of the magics, and others that I can't remember. Sobrang hyper niya at anumang oras ay gusto ko na talaga siyang sapakin.


Sa opening ng program ay ni-required ang pagsusuot ng so-called-PE uniforms namin, maghapon iyon. It's fine with me tho. I never had the plan to join the games and activities, today. Mas mabuting magbasa na lang ako o kaya ay matulog. Pero mas prefer ko ang maglibot at lumamon.


"I'm now officially opening Dawn Academy's Founding  Anniversary. Enjoy the event, everyone! But please be disciplined and forget not the rules. Have a good day once again." the Head Mistress said as everyone did a round of applause, not including me who was just sitting here silently. Watching and examining every things, even students that my eyes laid upon.


Nakaupo sa mini-stage sina Mr. Ballum at Ms. Lish, kasama ang ilan pang profs. Ang Head Mistress at isang lalaki sa tabi, I just did assumed na siya ang Head Master. Hindi nagkakalayo ang agwat ng kanilang edad, sa tingin ko.


Activities and games get to start. May ilang booths na nakakalat, may nagtitinda ng pagkain, mayroon ding nagpapatikim ng libre. Mga stalls na mayroong iba't-ibang stuffs na ipinagbibili. Isang area na ginawang arcade at marami pang iba na makikita mo sa isang normal na paaralan.


Nilapitan ako ni Vria, hinawakan niya ang kamay ko at hinila sa kung saan. Nakita kong papalapit kami sa isang booth na may nagluluto ng cupcakes. Iba-iba ang shapes, laki, flavor at kulay ng mga ito. Gusto ko na namang umirap at masuka nang makita ang hugis pusong cupcake.


Nakipagsiksikan si Vria sa alon ng mga tao at nakangiting bumalik sa pwesto ko. Inaabot niya ang isang cupcake sa akin, I rolled my eyes.


"Kumain na tayo nito kaninang breakfast."


"I know. Pero iba pa rin kapag professionals ang may gawa, they're baking it using their magic. Amazing isn't it?" I rolled my eyes once again and handed the cupcake. Totally dropping to argue.


Hinila niya ako sa kung saan-saan, hindi na ako nagreklamo. Andyan yung pinalaro niya ako ng 'pop the target' dahil hindi niya matamaan ang mga maliliit na lobo gamit ang darts. Yung sumali kami sa 'spin the wheel' para makuha ang premyong napakalaking chocolate bar. Jusko!


Paroon at parito ang paghila niya sa akin hanggang sa magbukas ang arena ng 'battle of the magics'. Sinabi niyang ni-register niya ang sarili kaya kailangan niyang lumaban. At nandito raw ako para suportahan siya, tss. At talagang ni-commit niya ako.


I was relieved nang hindi ko makita ang apat na assholes, kahit sina Amara at Olivia. Ms. Lish and Mr. Ballum decided na i-cancel muna ang training ko ngayong araw pero itutuloy iyon kinabukasan pagkatapos ng lunch. Well, pumayag naman ako. As if I have a choice.


"Let's rock the sleeping thrill in your selves!" saad ng MC sa gitna ng bilog na ring. May barrier dito, sakaling maapektuhan ang mga audience sa laban na magaganap. "It's an open entry this year so...we had 60 participants that did joined!"


Agad na nag-ingay ang lahat, I can sense the excitement and enthusiasm in their voice. Naalala ko ang mga kasambahay na madalas kong kasama sa bahay, ganyan sila tuwing nanunuod ng laban ni Pacquiao sa tv.


Dawn Academy - School of MysteryWhere stories live. Discover now