20 - They Got Me

903 46 32
                                    


Chapter 20 : They Got Me


Nakakahiyang pangyayari sa buhay ko ang oras na iyon. Halos ihagis ko na sila nang bitawan. Hindi ko alam kung ano pang mukha ang ihaharap ko pagkatapos niyon.


Sa huli ay nanalo kaming dalawa ni Olivia. Sa tanang buhay ko ay ngayon ko lang naramdaman ang ganito. Ngayon lang ako nakasali sa ganitong klaseng aktibidad. Kapag may events sa school ay mas pinipili kong magkulong sa bahay.


At ngayon ay pangalawang araw na ng foundation, mas lalo lang akong humanga sa lugar na ito. Nagawa kong tumawa, ngumiti at makipaglaro sa kung sino mang makasalamuha ko. Pakiramdam ko nga ay hindi na ako ang nasa katawan ko. Ganito pala ang pakiramdam kapag masaya ka.


"Gusto mo?" tanong ko kay Vria at inabot ang binili kong chips. Umiling siya kaya bumaling ako sa mga iba pa naming kasama, "Kayo?"


Tipid na ngumiti si Kleon bago kumuha rito, si Olivia naman ay tumikim rin. Tinitigan lang ako ni Amara saka siya umiling, nang ilahad ko naman ito sa harapan ni Kazer ay bigla niya itong inagaw.


"Hoy!" bulalas ko kaagad. Nagtataka siyang nag-angat ng tingin, puno na ng pagkain ang bunganga.


"Hindi ba't ibinibigay mo sa akin?" tanong niya.


"Oo nga, pero hindi ko sinabing lahatin mo!" asik ko at inagaw iyon. Pero hindi pa man nakakakuha ay muli niya itong hinila.


"Ang takaw mo!"


"Madamot ka!"


"Bumili ka na lang ng sa'yo!"


"EH KUNG AYAW KO?"


Natigil lang kami nang marinig ang pagsaway nina Vria at Olivia. Nang mag-angat ako ng tingin ay nakita kong papalapit na sina Lauro at Lucht. May mga dalang pagkain.


"Oh, sa'yo na pala 'yan. Saksak mo sa baga mong bwisit ka!" angil ko sa kanya bago lumapit kay Lauro. Kinuha ko ang isang supot ng sandwich sa dala niya saka bumalik sa inuupuan.


Nagkanya-kanya na kaming kainan pagkatapos niyon, dito sa park ng Academy namin napiling kumain. Mamaya kasi ay magsisimula na naman ang mga activities.


Maya-maya pa'y nagpaalam sina Lucht at Vria na maglilibot daw muna. Tsk! Si Kleon ay umalis din dahil pinapatawag ng Head Master, kaming lima na lamang ang natitira rito.


Nang hindi makatiis ay nagpasya akong magliwaliw muna, napakaganda kasi ng mga bulaklak. May nakita pa nga ako kaninang kulay rainbow na dahon.


I remembered the park I used to go when I'm ditching my class. Madalang ang mga taong nagpupunta roon dahil masyadong open space. Nevertheless, the ambiance of it was really something. Nagagawa kong kumalma kapag naroon ako at nakatambay.


Nabalik ako sa ulirat nang maramdaman ang presensya ng kung sino. Humakbang ito papunta sa gilid ko at kahit hindi ako mag-angat ng tingin, kilala ko na siya. Mukhang pinangatawanan niya na ang pagiging cold dahil maging presensya niya ay malamig.


"Are you ok?" tanong niya matapos ang katahimikan. Nakatayo kami ngayon sa pinakang-tagong parte ng parke. Dito kasi ako dinala ng mga paa ko.


"Kailangan ko bang sagutin 'yan?" natatawang ani ko, sa mga bulaklak pa rin ang tingin, ewan ko ba. Nababaliw na yata ako.


"Alam mo bang matagal ka na sanang nakabalik sa mundo mo?" I quickly turned my gazes at him, "It's just that, it takes much process. Masyado nang nag-aalala ang Council, lalo na sa nangyari last month." kahit ganoon kahaba ang sinabi niya ay ang lamig pa rin ng dating.


Dawn Academy - School of MysteryWhere stories live. Discover now