45 - Sanctus

444 19 15
                                    


Chapter 45 : Sanctus


Vriazer Leriz's Point of View


Scratches...


Oo, tama nga. Inulit-ulit ko ang pag-iisip kung tama ba ang nakikita kong kaguluhan ngayon. Paanong nakapasok sila rito?


"Lost..." patuloy nilang sambit saka dahan-dahang umaabante.


Hindi ko alam kung anong gagawin, tapos kaming lahat sa isang likido lang na tatama sa aming mga katawan. Kung susumahin ang tyansa, wala pa sa kalahating porsyento na makaliligtas kami.


Pulutong ang dumarating na scratches at tila ba may tumatawag sa kanila. O hindi kaya'y may umaakit na pwersa para mapunta sila rito?


Anuman man ang dahilan, mas mahihirapan kami ngayon sa pakikipaglaban. Hindi birong talunin ang mga klase nilang nilalang, nakakapagod at nakakatakot. Idagdag mo pa na madiriin ako sa mga malalapot na bagay tulad ng likido na mayroon sila sa buong katawan.


Gulat at pagkamangha ang nanaig sa akin nang simulang magbato ang mga scratches ng kanilang likido. Hindi sa amin kundi sa mga kalabang shadow shifters. Paanong...?


Walang nakagalaw sa amin ni isa, lahat ay nagulat sa nangyayari, maliban kina Eula at Mr. Ballum na patuloy pa rin sa paglalaban.


"Sanctus..." bulong ni Antheia matapos mabalik sa wisyo. Napalunok ang prinsesa habang ako'y nangangapa pa kung sino ang sinasabi niyang sanctu—


S-Sanctus...


No freaking way!


Naalala ko ang nabasang history book, ang mga magic, mga nilalang, mga lugar na makikita sa Laveria. At mga halimaw...


"Sanctus awakened!" kinakabahang bulalas niya, "The King of Darkness is back!"


Can someone slap me and tell me that I'm just dreaming? This is impossible, way more unbelievable.


As far as I know, Sanctus is the most powerful monster in the kingdom of realms. He's the king, the ruler, the darkness...


Hindi pa siya nagpakita kailanman, maliban sa unang nagmana ng black magic na siyang lolo pa ni Antheia sa lolo rin ng kaniyang ama. Ang alam lang ng lahat, itim siya at nakalilipad, makapangyarihan at nakakatakot.  Ito rin ang naging dahilan kung bakit naulila ang isang Master Enchantress na si Antheia.


Hindi ko alam ang buong kwento dahil walang ibang nakakaalam noon kundi ang mga naunang Laverians na nabuhay sa mundong ito.


Sa madaling sabi, si Sanctus mismo ang black magic, ang pagmamay-aring kapangyarihan ni Alea at mismong kumukontrol sa kaniya. Ngayon ay tuluyan na itong nagising, magpapakitang muli.


At hindi ito maganda.


Lalo na kay Alea.


***


Madilim.


Wala akong makita kundi kadiliman.


Nasaan na ang dome? Si Proteus? Si Olivia? Nasaan na ba ako?


Huling naaalala ko lang ay sinasakal ako ng lalaking iyon saka umatake ang galit na si Olivia pagkatapos ay nagkaroon ng malakas na pagsabog.


Teka nga— patay na ba ako?


Inilibot ko pa rin ang paningin sa paligid kahit na pulos itim lang naman ang makikita ko. Sa impyerno ba ako mapupunta? Bakit walang apoy? Nasaan ang mga taong maghihirap kasama ko? Nasaan si Lucifer?


Dawn Academy - School of MysteryWhere stories live. Discover now