30 - Right Place. It's Manila.

757 34 31
                                    


Chapter 30 : Right Place. It's Manila.


Vriazer Leriz's Point of View


"Mag-iingat kayo, maraming panganib ang maaari niyong kaharapin. Maraming hahadlang bago niyo siya mahanap." makahulugang paalala sa amin ni Auntie Roire bago kami nagpaalam.


Wala pa ang full moon kaya't ginugol namin ang natitirang araw sa paghahanap kahit sigurado na kaming wala na si Alea sa Laveria. Nilibot pa rin namin ang city ng Arken, nang matapos doon ay bumalik agad kami sa Rhiven para dumiretso sa dusk forest.


Hapon na ngunit halos tirik pa rin ang haring araw. Lahat kami ay tahimik habang nakaupo sa malalaking ugat ng mga punong nandirito. Nasa harapan na kami ng tulay, ang malaking bato sa dulo nito ang siyang magiging daan namin patungo sa mundo ng mga tao. Ang mundo kung saan nanggaling si Alea. Napabuntong hininga ako.


Hindi pa rin talaga ako makalma, kinakabahan ako at natatakot sa mga posibilidad na mangyayari. Masyadong malaki ang mundo ng mga tao para hanapin namin si Alea. Paano na lang kung mahuli kami?


"Sigurado na ba talaga tayo rito?" tanong ni Olivia kaya't napatingin kaming lahat sa kanya, "The world out there was just too big."


Naiintindihan ko siya dahil parehas lang kami ng nararamdaman. I turned my gazes at Kazer who was just standing next to the big tree. Sobra akong naiinis sa kanya, sa totoo lang. Malaki ang nai-ambag niya kung bakit nawawala ngayon si Alea pero gaya ng sabi ni Amara. Kailangan ko munang kalimutan ang lahat. I should let my pride down just this time, for Alea.


"Are you scared?" nakangising balik ni Amara, hindi agad siya nakasagot. "Kung takot ka, ayos lang. Bumalik ka na sa Academy."


Umiling si Olivia saka siya yumuko. Wala na ulit nagsalita pagkatapos niyon, hinintay namin ang pagdilim, ang pagdating ng full moon para mabuksan ang lagusan.


"Guys, the full moon is here! Wake up!" nagising ako sa sigaw ni Kleo, nakatayo siya at may tinitingnan sa itaas.


I groggily stood up while stretching my arms a bit. I covered my mouth when I yawned, saka lang ako natigil nang biglang maintindihan ng sistema ko ang nangyayari. Madilim na ang paligid.


We looked at the big rock when a blue astonishing light came out on it. In every seconds we're staring, it getting bigger and bigger. Until we heard that familiar sound. Eto na yun!


Naunang maglakad papalapit sa tulay si Kazer, nakasunod si Lauro sa kanya. I let out a deep breath before following them. I hope this is not a bad idea.


Rinig ko ang pagtunog ng kahoy tuwing hahakbang kami rito. Habang papalapit kami ng papalapit sa lagusan, lalo lang bumibilis ang pagtibok ng puso ko. Nang makatayo sa mismong harapan ng portal, iniwas ko ang tingin dito dahil sa labis na liwanag.


"Whatever may happens, we're together on this." napatingin ako kay Lucht nang hawakan niya ang kamay ko. I calm a bit because of that.


Tumingala ako para tingnan ang buwan na ngayo'y nagliliwanag na. I smiled to fear away my nervousness before looking at them one by one.


"Let's find her." si Lauro saka kami nagsimulang maglakad papasok sa asul na liwanag, sa lagusan.


I closed my eyes before making a step forward, together with Lucht who's still holding my hands. I did relax myself, after a few minutes, I slowly took my eyelids opened. And all I just know that time, we're now in an unfamiliar territory.


Dawn Academy - School of MysteryWhere stories live. Discover now