41 - Numb

459 21 12
                                    


Chapter 41 - Numb


"Can I court you?"


Hindi siya makagalaw sa narinig, halos makalimutan na rin ang paghinga. Pakiramdam niya, panaginip lang ang lahat.


"Hey. Sorry, nabigla ba kita?" naluluhang tumingin si Alea sa lalaking dati niya pa pinapangarap.


"Sabihin mo, Lyeron. Panaginip ba 'to? Kasi kung oo, ayoko nang magising."


Ngumiti ang sinasabi niyang si Lyeron saka pinunasan ang luhang tuluyan na ngang tumulo.


"Kung panaginip man 'to, Alea, gigisingin kita at gagawin pa rin nating totoo."


It was her happiest day, pakiramdam niya ay tinalo niya ang mga Disney princesses. 2nd year high school siya, samantalang isang taon naman ang layo ni Lyeron. Sa ilang buwan nilang naging malapit sa isa't-isa, natupad ang gusto niyang mangyari. Nagsimula ngang manligaw ang lalaking gusto niya noon pa man.


"Sino ba yung lalaking kasama mo magbuhat ng libro kanina? May gusto ba yun sa'yo, ha?" natatawang isinubo ni Alea ang kwek-kwek kaya lalong nainis ang kausap. "Bakit ba tuwang-tuwa ka pa? So, may relasyon talaga kayo?"


Natawa na naman siya dahil sa laki ng imahinasyon ng lalaki. "Ano ka ba, we're just friends!"


"Manuod ka ng game ko mamaya, ah? I-cheer mo 'ko, please..."


"Tss, baka ipasa mo na naman ang bola sa kalaban."


Agad umatake ang lalaki saka pinisil ang kanyang pisngi. "Oras na asarin mo pa ako, may parusa ka na, sige."


"Joke lang nga— aray! Tama na, masaket sa pisngi!" natatawa naman itong bumitaw, "May sasabihin din pala ako mamaya."


"Pwede naman sabihin ngayon, eh. What is it?"


"Secret. Basta, dapat panalo kayo, ah?" tumango ito saka pinirat na naman ang ilong niya.


Malakas ang sigawan ng crowd habang siya naman ay tahimik lang na nanunuod. Pasimpleng nagchi-cheer sa lalaking sasagutin na niya mamaya. Napangiti na naman siya.


"What can you say, huh? Nilampaso namin ang kalaban, tambak na tambak ang score."


Nakangiting inabot niya ang towel rito, "Edi, congrats!"


Napatigil ang lalaki sa pagpupunas sa sarili nang may maalala. "Ano nga pala yung sasabihin mo?"


She sweetly smiled and tried to hide her blushing cheeks. Ayaw na ayaw niyang kiligin pero hindi mapigil.


"Lyeron?" naghintay ang lalaki sa kanyang sasabihin, "Yes."


"Huh? Teka, 'di ko gets..." tumayo ito saka naglakad-lakad, natampal na lamang ni Alea ang noo niya.


"Sabi ko, yes." ulit niya dahilan para tumigil ang lalaki sa pagkilos. Nanlalaki ang mga mata nitong napatingin sa kanya saka siya mabilis na niyakap.


"WHOOO! I LOVE YOU SO—" agad natigil sa pagsigaw si Lyeron nang takpan ni Alea ang bunganga nito.


Doon nagsimula ang lahat, naging sila ng lalaking pinagmamasdan niya lang noon. Kahit pa hindi maganda ang wisyo niya dahil sa mga trainings, napapangiti ang tahimik na Alea sa tuwing kaharap niya si Lyeron.


Dawn Academy - School of MysteryWhere stories live. Discover now