11 - Who Are You?

1.2K 44 13
                                    


Chapter 11 : Who Are You?


Nakatitig ako sa itim na kisame habang nakabalot ang kalahating katawan sa malambot na comforter.


Hindi matanggal sa isip ko ang nangyari kanina. Yung mga nabuwal na puno, ang tuluyang nasira na playground, at iyong apoy.


Itinaas ko ang mga kamay at pinagmasdan itong mabuti. Do really I have any supernatural powers? But...how come?


I heaved a sigh and try to concentrate. Mahimbing nang natutulog ang kasama ko pero ako ay eto at mulat na mulat. I can't sleep.


Ngayong nakatakas ako parang ayoko ng ituloy pa. Masyadong magulo ang mga nangyayari, hindi ko maipaliwanag at lalong wala akong maintindihan.


Gusto ko na lang bumalik ulit, I already missed Dad too. Hinahanap niya kaya ako? Pagkaka-alala ko nung last dinner namin ay sinabing niyang 1 month siyang mawawala. He will stay at Paris for his works.


Siguro nga hindi niya alam...


Pinikit ko ang mga mata matapos mangiti ng mapait. Kinain ako ng mga tanong bago pa natangay ng antok at tuluyang nakatulog.


"Mommy, look at this! I can bloom the flowers!" the little girl did clapped her hands and grinned.


"Really, baby? Where it is?" nagpatangay ang malabong imahe ng babae sa bata.


"There, mommy oh! See? It's awesome right? I did that." masayang sambit ng bata. Ngunit nagbago ang reaksyon nito nang unti-unting malanta ang bulaklak at naging itim. Para itong nasusunog.


"Mommy? What happened?" she murmured, maiiyak na. "Am I bad, mommy? Is my magic bad? I killed the flowers." nagsimulang tumulo ang mga patak ng luha sa kanyang mata.


Lumapit ang babaeng hindi pa rin makilala dahil sa malabong mukha nito. She hugged the little girl and wiped her tears off.


"Of course not, baby. You're not bad, either your magic. It's just that...you need to practice it more hmm? It's prohibited kasi na gamitin ang powers without guidance and trainings."


Suminghap ang bata at pinunas ang pisngi. "So, I'm not bad? I just need to practice my magic?"


"Yes, baby. Daddy and I will teach you, ok?" tumango ang bata at malungkot na tumingin sa halamang mukhang abo na.


"Sorry flower. I'll fix you when I did learn my magic. I'm sorry..."


Naalimpungatan ako dahil sa ingay na naririnig. Ano na naman bang meron, Vria? It's weekend, walang pasok ngayon hindi ba?


My forehead creased when I heard voices. Hindi lang si Vria ang nag-iingay, may kasama siya. Napabalikwas ako ng bangon, pinasok ba kami ng magnanakaw, kalaban, kaaway?


Natanggal na sa isipan ko ang panaginip kanina dahil sa biglaang pagbangon ko. Nakita ko si Vria sa pintuan, halata ang pagkairita sa kanyang boses.


Hawak niya ang pinto at halos siya lang ang nakasilip dito. Sino ba ang kausap niya?


"Ilang beses ko bang sasabihin na tulog pa si Alea? Marunong ba kayong umintindi?"


"Witch, just open the door and we'll wake her up." mas lalo pang nangunot ang noo ko nang marinig ang maarteng boses ni Amara.


"Vria." tawag ko rito, agad naman siyang napalingon at nawala ang pagkainis sa mukha nang makita ako.


Dawn Academy - School of MysteryWhere stories live. Discover now