13 - Rare

1K 50 32
                                    


Chapter 13 : Rare


Natigil ko ang paghinga nang marinig ang sinabi ng bata. Bakit may kasal?


"Ate ganda, sino pong pipiliin niyong maging hari sa dalawang kuya?" tanong ng batang babae na siyang humigit sa akin kanina. Ano raw?


Nangunot ang noo ko, ayaw kong intindihin ang sinasabi niya. Marriage booth ba 'to?


Nakaabang silang lahat sa isasagot, nakita ko pa si Vria na nakangisi sa isang tabi. Tss.


"Ate ganda, sige na po. Pumili ka na kung sino ang gusto mong maging hari." tudyo ng mga bata.


Alanganin akong ngumiti sa kanilang lahat saka bumaling sa batang babae na nasa tabi ko. "Paano kung walang gustong maging hari si ate?" tanong ko rito na agad niyang nginusuan.


"Ayaw niyo po ba sa dalawang kuya? 'Di ba po parehas naman kayo ng school na pinanggalingan? Edi magkakilala po kayo."


Ayaw kong magsinungaling sa bata, pero baka umiyak siya. In my entire life, wala pa akong napapaiyak na bata kahit ganito kasama ang ugali ko. They're just too innocent to be hurt.


"Uhmm.." nag-isip ako ng maida-dahilan pero walang lumalabas sa bibig ko.


The little girl smiled widely and faced her friends, "Walang mapili si ate ganda. Kaya dalawa ang magiging hari niya!" bulalas nito.


Gosh. How I want to excuse myself for this 'thing'.


Nagpalakpakan sila, maging ang ibang nanunuod sa amin ay sumunod na rin. Pati si Vria, tss.


Nakasimangot na nagpatianod si asul sa batang may hawak sa kanya, tahimik naman si Lauro. Inalalayan akong tumayo ng batang babae saka kami lumapit sa kanila.


Nakatayo kami sa harap ng isang lumang fountain, pinagi-gitnaan ako ng dalawang assholes. Parang gusto kong manipa.


Nilagyan ng dalawa pang bata sina asshole ng flower necklace. Pinigilan ko na lang ang sarili kong matawa sa itsura nila. Mukha silang Hawaiian na naligaw sa ibang lugar, naka-PE uniform ba naman.


Napahagikgik ako nang hindi mapigilan ang tawa. Kazer did glare at me but I response him with a smirk.


"Ate gan—ano po pangalan mo, Ate?" tanong ng kanilang leader.


"Alea."


He turn his glanced at Lauro. "Kuya Lauro, do you accept this gorgeous maiden as your queen?" nabigla ako sa pag-iba ng linggwahe ng bata. Ang fluent niya sa English. At kilala niya 'tong mga assholes na 'to?


Matagal pa bago ito nakasagot. "Yes." wala talagang kasinlamig ang boses niya.


"Ikaw naman, Kuya Kazer. Do you accept this beautiful lady, Ate Alea, to be your wife?"


Teka, bakit magkaiba ang tanong?


"Hindi." pikon niyang saad at umiwas ng tingin.


"Kapag hindi pumayag, ililibre kaming lahat ng cake!" sigaw nila.


Napa-asik si asul at ginulo ang buhok dahil sa pagkairita. "Oo na!"


The children giggled at each other like they had another achievement.


"Ikaw naman, Ate. Tinatanggap mo ba ang dalawang kuya para maging hari at asawa mo? Nangangako ka bang hindi sila sasaktan at iiwan ano man ang mangyari? Sa hirap at ginhawa? Sa sakit at kamatayan? Magpakailanman?"


Dawn Academy - School of MysteryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon