42 - Plan Went Wrong

501 22 24
                                    


Chapter 42 : Plan Went Wrong


Those bullshit memories, tss.


I forced my eyelids to open, I'm already conscious for some minutes but still can't move any further.


Isang umiiyak na Olivia ang sumalubong sa mata ko. She started to wipe her tears off when she saw me wide eyes open, looking at her with a creasing forehead. I'm still curious about what had happened, I can't remember any of them, even a little one.


"G-Gising ka na pala..." mahinang bulong niya saka ako inalalayan sa pag-upo, hindi ko pa rin maigalaw ng maayos ang aking katawan.


"Ano bang nangyari? Bakit nawalan na naman ako ng malay?" hinawakan ko ang ulo ng dahan-dahan, nahihilo pa ako. "Buong oras yata sa loob ng Magus Cup, tulog lang ang maia-ambag ko, eh." saad ko, nagtataka pa rin ang ekspresyon dahil sa sitwasyon ngayon.


She gulped the lump in her throat. "Can't you remember a-anything?"


Duh, Olivia? Would I ask if am I?


Umiling na lang ako saka inilibot ang paningin sa paligid, nasa gubat pa rin kami. Hindi pa rin pala tapos ang punyetang cup.


Ilang minuto pa akong naghintay ng sagot niya sa mga tanong ko ngunit hindi siya nagsalita. She's just silently looking at nowhere and thinking something I don't know.


Ang weird niya pa rin talaga.


Hindi na ako pumayag pang gamutin ako ni Olivia. Alam kong bumabawi ang magic niya sa lakas na meron siya ngayon. Limitado lamang ang magagawa niyang panggagamot sa loob ng dome na ito.


Mabuting ireserba na lang namin ang healing power niya sa iba pa naming kasamahan. Sigurado kasing hindi na rin maganda ang estado nila ngayon, masyado nang umiinit ang laban.


"Tara na, w-we're almost there." wala pa rin sa wisyong aniya, isinawalang bahala ko na lang iyon at sumunod sa kanyang nilalakaran.


Something did rang a bell when I remembered the last scene I'm about. "Nasaan na nga pala yung mayabang na lalaki? Yung player ng Felicia na mukhang nakasinghot ng aircon sa sobrang hangin?"


Napansin kong natigilan siya sa tanong na iyon, kaya agad akong nagtaka kung bakit ganoon ang reaksyon niya.


"May nangyari ba, Olivia? Naglaban ba kayo nung lalaki?" dagdag ko saka pumunta sa harapan, ayaw niya akong tingnan sa mata.


Matunog siyang lumunok saka hinarap ako kasama ang naluluhang mga mata. "You almost put him into d-death, Alea... can't you remember anything?"


Maging ako man ay natigilan nang marinig ang sinabi niya, paatras akong napahakbang. Gusto kong tumawa dahil baka nagbibiro lang siya, pero hindi, seryoso ang kanyang mukha. Isa pa, hindi magandang gawing biro ang ganoong mga bagay.


"Marami kang sinabi kanina na kahit ako natakot, hindi k-ko maintindihan. The next I knew, naglalaban na kayo at halos m-mapatay mo na siya. I tried to stop you, mabuti na nga lang at nakaya pa nang ginawa kong spell..."


"Hindi kita makilala kanina, Alea. Ayaw kitang pag-isipan ng m-masama pero normal lang naman sigurong makaramdam ako ng t-takot, hindi ba?" doon na tuluyang tumulo ang mga luha niya. Nanatiling nakabuka ang aking bibig ngunit walang lumalabas na salita.


Wala rin akong maintindihan, wala akong matandaan sa mga pinagsasabi niya. What the actual fuck is happening?


Is it possible to— oh gosh!


Dawn Academy - School of MysteryWhere stories live. Discover now