15 - Unleash The Secrets

956 48 10
                                    


Chapter 15 : Unleash The Secrets



"Sino ka at bakit ka narito?"



Natutop ako sa kinatatayuan nang marinig ang boses sa aking likuran. How come that I didn't felt her presence?



Dahan-dahan akong lumingon at nakita ang isang babaeng nakabalot sa mahabang cloak.



Hindi ko maaninag ang kabuuan ng kanyang mukha pero base sa porma niya, babae talaga siya.



"Uulitin ko. Sino ka?"



Her voice is calm yet I can feel danger on it. "I should be the one asking you that." lakas loob ko pa ring nai-saad.



I saw how her side lips rose up. She's smirking. Naglakad siya palapit sa akin, nanatili naman ako sa aking pwesto, hindi ako gumalaw.



"Sabihin mo, ikaw ba si Alea?"



Kilala niya ako?



"Halika, kanina pa naghihintay si Vria." dugtong niya at tinalikuran ako.



Nagdalawang-isip ako kung susunod ba sa kanya o hindi, pero sa huli ay wala naman akong magagawa. Mukha namang hindi siya masama, medyo lang, siguro. Bahala na.



Nagtataka ako kung paanong hindi niya natatapakan ang mahabang dress na suot. Bakit nga ba iniintindi ko pa yun?



Tahimik lang akong sumunod sa kanya, mina-manage pa rin ang distansya baka sakaling alam niyo na.



After sometime, the surroundings started to lit up. Umaga na. Kung hindi kami tumakas ni Vria, siguro ay naghahanda na ako ngayon para sa training.



Nanlalaki ang mata ko nang makita ang isang malaking tree house sa 'di kalayuan. This time, I can't control my emotions. It's just too much. Totoo ba talaga ito?



Ito na yata ang pinaka-malaking puno na nakita ko sa tanang buhay. I really want this. Isang tree house.



"Vria's waiting you inside." saad ng babaeng kanina ko pa kasama pero hindi kami nagkikibuan.



Nagpatiuna siyang umakyat kaya sumunod na lang ulit ako. Pinipigilang ibuka ang bibig dahil sa pagkamangha sa lugar. It's really something.



Nang oras na buksan ng babae ang pintuan, nakita ko si Vria. She's lying next to bed. May naaninag pa akong ilang pasa sa kanyang mukha habang wala siyang malay.



"Nakita ko siya kanina malapit sa ilog. Nanghihina, nakausap ko pa siya sandali at sinabing hanapin daw kita. Mukhang nagkaroon ng mis-place sa kanyang spell kaya siya napunta sa ibang lugar." paliwanag ng babae, naupo naman ako sa tabi ni Vria. Mukha siyang kalmado pero mapait akong napangiti nang makita ang mga galos niya sa buong katawan.



"Ako nga pala si Antheia, sakaling gusto mong malaman." inabutan niya ako ng mangkok na naglalaman ng kung ano, "Inumin mo, makakatulong 'yan para mabawasan ang sakit sa iyong katawan."



Tumango ako rito at inamoy ang kulay pulang tubig sa loob ng mangkok. Amoy herbal. Nilagok ko ito at pinunas ang bibig pagkatapos.



"Siguro mas makabubuti kung simulan na nating alamin ang kapangyarihan mo ngayong tulog pa si Vria." sumang-ayon ako sa sinabi niya.



Nagpunta kami sa isang kwarto, may sinabi siyang kung ano na hindi ko maintindihan saka sumindi ang mga kandila. Napatalon pa ako nang biglang magsara ang pintuan maging ang maliit na bintanang naroon.



Dawn Academy - School of MysteryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon