16 - Fight Me

955 39 9
                                    


Chapter 16 : Fight Me


Vriazer Leriz's Point of View


Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata. Napangiwi pa ako nang maramdaman ang kirot sa buong katawan. Pilit kong pinaupo ang sarili at inilibot ang paningin.


Nasa bahay na nga ako ni Antheia. Pero nasaan siya? Nahanap na kaya niya si Alea?


I flinched when I tried to stood up. Sobrang sakit ng katawan ko dahil sa pag-pwersa nito kahapon. Sana lang ay mabilis na itong maghilom, kailangan naming makabalik ni Alea sa Academy ngayon. Kung hindi, katapusan na.


Sobrang malaki ang pinagbago ng Academy simula nang dumating si Alea. Mas naging may thrill kumpara sa normal kong buhay dito dati. Nakakalungkot lang na masyado siyang napapahamak sa mga kuryosidad niya, maging sa akin.


"Alea, huminahon ka!" napapitlag ako nang marinig ang pagsigaw ni Antheia. Nagmumula ito sa kabilang kwarto.


Inabot ko ang isang kahoy at ginawa itong saklay para makapaglakad. I took deep breaths in every steps I made. My muscles really hurt like hell.


"Masyadong malakas ang pwersa, Alea! Ang emosyon mo, pigilan mo!" sigaw ulit nito kaya minabuti kong bilisan ang pagkilos.


Mabibigat na hininga ang pinakawalan ko nang marating ang pinto. I heaved a deep sigh once again before I opened the door.


Nanlalaki ang mga mata ko sa kasalukuyang nakikita, ang mga apoy ay nakalutang sa ere. Nagkakagulo at animo'y nawawala sa control. Nagmadali akong pumunta sa pwesto ni Antheia na ngayo'y nakaupo sa isang tabi. Hindi ko masyadong makita ang tinatapakang sahig dahil sa dilim. Idagdag pa ang nakahihilong liwanag na dala ng mga kandilang nagwawala.


"A-Anong nangyari?" tanong ko kay Antheia oras na mahawakan ko ang kamay niya. I can saw some blood stains at her cloak.


She glanced at Alea, who's now at a deep sleep. Basa ang kanyang mukha. Umiiyak ba siya?


"Kailangan niyang tumigil. Hindi niya kinaya ang pwersa kaya siya ang nakontrol ng kapangyarihan niya." she paused, "Kapag nagtagal pa ang kanyang sitwasyon...maaari siyang bawian ng buhay."


I stop. My heart started to pound abnormally. Hindi ako makatayo kaya't minabuti kong gumapang na lamang papunta kay Alea.


Muntik pa akong matamaan ng kandila nang subukan kong tumayo. I smiled when I reached her arm.


"Alea, wake up! Stop this, please..." hindi ko namalayan ang pagtulo ng mga luha ko. Damn! No time for drama, Vria! Get Alea ass up!


I cursed myself inside my head multiple times before I decided to touch her head. Sorry, I have no choice.


Ginamit ko ang isa sa ipinagbabawal na spell, ang indestructible spell. It's too dangerous. Isang beses ko pa lang itong nagamit at matagal ng panahon iyon. The user's body is impervious to any damage, at my case, ililipat ko ang kung anong enerhiyang kumukulong kay Alea papunta sa akin.


Simple lang siguro pero ako ang mapapahamak sa magiging resulta. Kapag hindi na kinaya ng aking katawan ang lahat ng damage na kinukuha o natatanggap ko, maaaring ma-block ang lahat sa aking sistema. At mauwi sa katapusan.


It doesn't matter anyway. Kaibigan ko si Alea at alam kong hindi niya rin naman ako pababayaan kapag nagkataon. It's my choice.


I can feel the unfamiliar force piercing at my body. Pero ilang sandali lang ay nawala rin iyon kasabay ng pagbagsak ng mga kandila sa sahig.


Dawn Academy - School of MysteryWhere stories live. Discover now