Chapter Twenty

924 55 37
                                    

Chapter Twenty

Hindi alam ni Emma kung gaano na siya katagal na nakaparada sa labas ng HMP. Para bang biglang nawala ang lahat ng tapang na inipon niya kanina. Saan na napunta ang yabang niya? Ang lakas pa ng loob niya na tanggihan ang tita Vicky niya na sumama. Who is she kidding? She can't do this alone.

Being here reminds her of her dad. Reminds her of what happened. Hanggang ngayon ay binabangungot pa nga siya. Naka-ukit na sa puso at isip niya ang huling sandali ng daddy niya. And it breaks her heart every single time. Ni hindi niya alam kung paanong hindi pa siya bumibigay.

Noon naman saktong tumunog ang cellphone niya at para siyang nakahinga nang maluwag nang makita ang pangalang nakarehistro. Naalala niya bigla kung paanong kinakaya niya pa ang lahat.

"Jaxon." Just saying his name was enough to calm her down. He's a reminder that she's not alone.

"Kumain ka na?"

Napangiti siya. That was his way of asking her if she's okay and she loves it. She's getting tired of everyone asking if she's okay. Alam naman ni Emma na nag-aalala lang ang mga ito sa kanya pero hindi na kasi niya alam kung paano 'yon sasagutin. Maging anuman ang sagot niya sa tanong na 'yon ay palaging awa ang sukli mula sa iba.

"Mmm, kumain na. Ikaw?"

"Kakain pa lang. What are you up to?"

Inilibot niya ang tingin sa paligid. "I'm getting dad's stuff."

"Gusto mong samahan kita?"

"Hindi na. I'm already here. Kukuhanin ko lang naman tapos aalis na agad ako."

"You got this babe. I'm here for you."

Tumango-tango siya kahit alam niyang hindi siya nakikita nito. Para kasing biglang may nakabara sa lalamunan niya. Her emotion maybe? 'Cause damn, her man really knows how to make her feel safe and secure.

"Mmm, I know. Thank you." Napaupo siya ng ayos nang makitang naglalakad palapit sa sasakyan niya ang correctional officer. "I need to go, Jaxon."

"Call me if you need anything, 'mkay?"

"I will." Nang tapusin niya ang tawag ay sakto namang kumatok ang officer sa bintana. Agad naman niyang ibinaba iyon.

"Ma'am, mahigit thirty minutes na po kayong nakaparada rito. Ano po bang pakay nyo?"

Pinilit niyang ngumiti. At least alam na niya kung gaano na siya katagal na nasa sasakyan.

"Pasensya na po, sir. May kukuhanin lang pong gamit ng..." pakiramdam niya ay mas lumalala ang bara sa lalamunan niya. Tumikhim siya at mas lalo pang pineke ang ngiti niya, "gamit ng dating inmate."

"Ah ganun po ba. Samahan ko na po kayo."

Tumango-tango siya. Isinara niya ang bintana at hinagilap ang mga gamit bago siya bumaba ng sasakyan. Sinubukan niyang 'wag sulyapan ang eksaktong lugar kung saan niya huling nakitang buhay ang daddy niya pero para bang may magnet iyon na hinatak ang atensyon niya.

Natigilan siya sa paghakbang. Naroon pa ang police line at chalk outline kung saan humandusay ang daddy niya. Napahawak siya sa dibdib. Ni hindi nakilala ni Emma ang ungol na kumawala sa kanya. It sounded like a cry of a wounded animal. Tila narinig naman 'yon ng officer dahil lumingon ito sa gawi niya.

"Ayos lang kayo, Ma'am?"

Nagbaba siya ng tingin at maka-ilang ulit na humugot nang malalim na hininga.

"Ma'am?"

Tumango-tango siya at pinalis ang luha. "Ayos lang po ako. Sorry."

Tila hindi ito kumbinsido pero hindi naman na nagkumento. Muli itong tumalikod at nagpatiuna. Kahit na nanginginig ang buong kalamnan ay pinilit niyang humakbang at sumunod. Pakiramdam ni Emma ay lumulutang siya. Namalayan na lang niyang nasa loob na siya at nakaharap sa isang maliit na glass window kung saan kunot-noong nakatingin sa kanya ang matandang ginang.

Dangerous SecretWhere stories live. Discover now