Chapter Fifteen

1.1K 85 31
                                    

Chapter Fifteen

"Say it again, Emma."

Masuyo niyang hinaplos ang pisngi nito. "I'll stay with you." Bulong niya. "Hindi na ako lalayo. Hindi na kita ulit iiwanan."

Hinawakan ni Jaxon ang batok niya at hinila siya palapit hanggang sa maglapat ang noo nila. Napapikit tuloy siya dahil sa sobrang lapit nito.

"'Wag kang magbitiw ng pangako na hindi mo kayang tuparin, Emma."

"Hindi naman 'yon pangako."

Ramdam niyang nangunot ang noo nito.

"What is it then?"

"A vow."

Ilang sandali itong tahimik. "What's the difference?"

Nagmulat siya ng mata tsaka bahagyang inilayo ang mukha para tingnan ito.

"It's easy to break a promise. Pero ang vow hindi madaling sirain. Kasi galing 'yon dito," inilapat niya ang palad sa tapat ng puso nito, "galing sa puso."

Umigting ang panga nito at muli siyang hinawakan sa batok tsaka kinabig palapit hanggang sa maglapat ulit ang noo nila.

"Do you know what you're saying, Emma?"

Tumango siya. "I know."

"I don't think you know what you're saying."

"Bakit? Ano bang dating ng sinabi ko?"

"Na akin ka na." Ikiniskis nito ang ilong sa kanya. "Alam mo ba kung anong ibig sabihin no'n? Ibig sabihin hindi ka na makakawala sakin. Hindi na kita hahayaang basta na lang umalis. Kahit saan ka magtago, Emma, hahanapin kita."

Binitawan nito ang batok niya tsaka siya bahagyang inilayo. Seryosong seryoso ang mukha nito habang nakatingin sa kanya.

"Is that what you mean? Cause if not, then stop giving me false hope, Emma. Kung hindi mo kayang panindigan ang sinabi mo..."

"I love you, Jaxon." Putol niya at tinuldukan pa ng mabilis na halik sa labi. Gusto niyang mapahagikhik sa itsura nito pero pinigilan niya ang sarili. She definitely caught him off guard. Nabura ang seryoso nitong mukha at napalitan 'yon ng pagkabigla.

Ilang sandali itong nakatulala at nakatitig sa mukha niya na para bang hindi ito makapaniwala. Napangiti siya at muling ginawaran ito ng halik sa labi.

Napakurap ito. "What? Emma? What did you just say?"

"I love you, Jaxon. Mahal kita. Mahal pa rin kita."

Iyon lang at kinabig na siya nito bago masuyong hinalikan. Mumunting halik na para bang takot ito na masaktan siya. Ipinulupot niya ang braso sa batok nito at tinugon ang masuyo at marahan nitong halik.

Nang mag-agwat ang labi nila ay muli nitong idinikit ang noo sa noo niya.

"Tell me you love me again." Bulong nito.

Napangiti siya. "Mahal kita, Jaxon Alonzo."

Ngumiti ito at muli siyang hinalikan pero agad naman niyang inilayo ang mukha. Nagtatakang nagsalubong ang kilay nito.

"Why?"

"Do you love me?" Lakas loob na tanong niya.

Hinawakan nito ang kamay niya at pinisil.

"Ni minsan hindi nagbago ang nararamdaman ko para sayo, Emmanuella. Mula noon hanggang ngayon, ikaw pa rin. Mahal kita. Mahal na mahal."

Pakiramdam ni Emma ay kumirot ang puso niya sa narinig. Ang dami nilang sinayang na oras na malayo sa isa't isa.

Dangerous SecretWhere stories live. Discover now