Chapter Sixteen

1.3K 76 46
                                    

Chapter Sixteen

Ipinarada ni Jaxon ang motor sa tapat ng isang lumang bahay. Mukhang matagal ng walang nakatira roon. Masukal na ang paligid at parang matagal nang inabandona ang lugar. Hinubad niya ang suot na helmet tsaka nilingon si Emma.

"Are you sure you got the right address?"

"I think." Bumaba ito at inalis ang suot na helmet. Sumabog tuloy ang buhok nito na agad naman nitong sinuklay ng daliri. Hindi tuloy niya napigilan na abutin ang ilang hibla at ipitin iyon sa likod ng tenga nito. Hindi niya maalis-alis ang tingin kay Emma habang abala ito sa hawak na cellphone. Nabawasan na ang pamamaga ng pisngi nito pero mangasul-ngasul pa rin ang gilid ng labi. Bigla ay muling bumangon ang galit sa loob niya. Kung hindi natuluyan sa baril niya ang lalaking gumawa nito ay hindi alam ni Jaxon kung ano ang kaya niyang gawin para iparanas dito ang galit niya. How dare him lay his hand on his girl.

Ikinuyom niya ang kamao. Hanggang ngayon ay hindi pa rin nawawala ang takot niya sa nangyari. Magkahalong takot at galit ang nararamdaman niya at hindi alam ni Jaxon kung paano iyon iibsan. Kapag hindi niya nakikita si Emma ay hindi siya mapakali. Saglit lang itong mawala sa paningin niya ay para bang kumikirot ang puso niya. Bigla ay para bang hawak na ni Emma ang buhay niya. He won't survive without her.  He'll die if he lost her.

Nag-angat ng tingin si Emma at tinaasan siya ng kilay tsaka ipinakita ang address na nasa cellphone nito.

"Are you sure you got the right place?" Balik na tanong nito.

Nagkibit siya ng balikat. "If this GPS is accurate then we're in the right place." Kinabig niya ang stand ng motor, hinugot ang susi bago bumaba. Agad niyang ginagap ang kamay ni Emma. "Stay close to me, 'mkay?"

Umiling ito at inilahad ang kabilang palad Kunot-noo niyang tinitigan ito. Pinaikot nito ang mata tsaka kinuha ang hawak niyang susi.

"Dito lang ako. If something goes wrong then I'll be your get away car."

Tulalang pinanood niya si Emma nang sumampa ito sa motor tsaka isinuot ang helmet. Nang hindi siya kumilos ay itinaas nito ang visor at tinaasan siya ng kilay.

"What?"

Umiling siya. "Hindi kita iiwan dito."

"Dito lang naman ako, Jaxon. Hindi ako aalis dito."

Hindi pa rin siya kumbinsido. Paano kung habang abala siya ay biglang mawala ito. He won't risk her safety by leaving her where he can't see her.

"You'll let me go there alone? Paano kung mapahamak ako d'on?" Gusto niyang mapangiwi sa sariling salita pero sa halip ay nagpa-awa siya. If he needs to use his pity card then he'll play with that.

Natawa naman ito. "Imposible. I've heard so much about you from Iris. Top of the class. Member of an elite team. You're practically the Alpha of all the marksmen agents. Mas makakasagabal lang ako sayo kapag kasama mo ko. I'll stay here and be of help with the best thing I can do." Tinapik nito ang manibela. "I'll drive."

Napapikit siya. This woman is testing his patience. Nang magmulat ay umiling siya at seryoso itong tiningan.

"No. Sasama ka sa'kin. Stay close to me. Stay right where I can see you."

He knows he's overreacting. Wala naman siyang nararamdamang panganib sa lugar. Pero ewan ba niya kung bakit hindi siya mapalagay kapag malayo ito sa kanya. Sinalubong niya ang tingin nito at hindi nagpatinag hanggang sa ito na mismo ang kusang sumuko. Ginusot nito ang ilong tsaka muling hinubad ang helmet at bumaba ng motor. Kinuha niya ang helmet at isinukbit iyon sa handle tsaka niya hinawakan ang kamay ni Emma.

Dangerous SecretWhere stories live. Discover now